Wednesday , June 11 2025

Pumalag sa holdap delivery boy hinataw sa mukha

072814 gun

SUGATAN ang isang delivery boy makaraan hatawin ng baril sa mukha ng isa sa dalawang holdaper na sakay ng motorsiklo sa Malabon City kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang biktimang si Jovencio Latorza, Jr., 22, delivery boy ng Ximex Delivery Express, at residente ng Libis Canumay, Valenzuela City.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga awtoridad upang matukoy ang pagkakakilanlan ng mga suspek na mabilis na tumakas.

Sa ulat nina SPO1 Jerry dela Torre at PO2 Benjamin Sy, naganap ang insidente dakong 7:50 p.m. sa Mabolo St., Brgy. Maysilo, Malabon City.

Naglalakad ang biktima sa naturang lugar nang biglang huminto sa likuran niya ang dalawang suspek na armado ng patalim at baril.

Ngunit pumalag ang biktima kaya pinalo siya ng baril sa kanyang mukha ng isa sa mga suspek at mabilis na tumakas.

(ROMMEL SALES)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

Johnny Dayang PAPI

Veteran Journalist Johnny Dayang Honored in 40th Day Memorial Mass Family, Friends, and Leaders Renew Call for Justice

VETERAN journalist and staunch advocate for truth, Johnny Dayang, was honored during a 40th-day memorial …

Jose Antonio Goitia Gilberto Teodoro

Pagpalag ni Teodoro vs Chinese officials suportado ni Goitia

NAGDEKLARA ng matinding suporta si Chairman  Emeritus Dr. Jose Antonio Goitia kasama ang  kaniyang  tatlong …

Negros Power

Negros Power, naghatid ng malaking pagbabago sa electric service sa loob lamang ng 9 buwan

MALAWAKANG pagbabago sa impraestruktura at nakapaghandog ng kalidad na serbisyo ang agad naipatupad sa loob …

Arayat Pampanga PNP Police

17-anyos dalagita pumalag suspek sa child exploitation timbog sa entrapment ops

MATAGUMPAY na naisagawa ang entrapment operation laban sa online child exploitation sa bayan ng Arayat, …

P307-M imported na asukal nasabat sa Bulacan

P307-M imported na asukal nasabat sa Bulacan

HINDI bababa sa P307 milyong halaga ng imported na asukal ang nasabat ng mga operatiba …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *