Friday , April 19 2024

2 gov’t employee sa Bulacan niratrat 1 patay, 1 grabe

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang government employee sa Bulakan, Bulacan, habang sugatan ang kanyang kasama makaraan pagbabarilin ng dalawang lalaking lulan ng motorsiklo sa Brgy. Bambang, bayan ng Bulakan, sa lalawigan ng Bulacan kahapon ng umaga.

Kinilala ng pulisya ang napatay na biktimang si Eduardo Martinez, 54, residente ng nabanggit na lugar.

Habang inoobserbahan ang kalagayan ni Angelito Buluran, 44, ng Brgy. Matungao sa bayan ding ito.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, nagpunta ang mga biktima sa bahay ni Doctor Reynaldo Gloria.

Nakatayo sila sa tapat ng bahay ng doktor nang dumaan ang isang motorsiklo at sila ay pinagbabaril.

Blanko pa ang pulisya sa motibo ng pamamaril ng mga suspek sa mga biktima.

(DAISY MEDINA)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla, Jr

Revilla tuloy ang serbisyo-publiko sa kabila ng aksidente

“SALAMAT sa mga nag-aalala kung ano ang nangyari sa akin, pero nasa mabuti na akong …

Lobo Batangas

Sa Batangas 
PAGLAGANAP NG ILEGAL NA SUGAL SA LOBO IKINABAHALA NG BUSINESSMEN

LUBOS na nababahala ang grupo ng mga negosyanteng kinabibilangan ni Efren Ramirez sa isyu ng …

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *