Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / 23-anyos bebot 3 araw sex slave ng FB ex-BF

23-anyos bebot 3 araw sex slave ng FB ex-BF

TATLONG araw na niluray sa condo ang isang 23-anyos babae ng dating boyfriend na nakilala lamang niya sa Facebook, makaraan siyang dukutin ngunit nakatakas ang biktima nang dalhin siya sa tattoo center sa Cainta, Rizal.

Sa ulat na tinanggap ni Senior Supt. Bernabe Balba, Rizal PNP provincial director, itinago ang biktima sa pangalang Dianna, 23, at nakatira sa nabanggit na bayan.

READ MORE:  DOLE inisnab ng Kentex (DOLE inisnab ng Kentex, sa ipinatawag na pulong)

Kuwento ng biktima, nitong Sabado ng umaga siya dinukot ng suspek paglabas niya ng kanilangbahay.

Tinutukan siya ng baril, sapilitang isinakay sa kotse at pinagbantaang papatayin.

Sinakal aniya siya at sinuntok sa tiyan kaya siya nawalan ng malay at nagising na nakagapos ang kanyang mga kamay at paa sa kwarto ng condo unit ng suspek sa Cainta.

READ MORE:  Isyu ng Torre de Manila haharapin ko — Lim

Ilang ulit aniya siyang ginahasa ng suspek sa loob ng tatlong araw habang nakagapos at hubo’t hubad sa kama.

Ngunit nitong Lunes ng umaga ay dinala siya sa isang mall sa nabanggit na bayan upang palagyan siya ng tattoo.

Nang malingat ang suspek ay tumakbo ang biktima at sumisigaw na yumakap sa isang sekyu ng mall.

READ MORE:  Mayor Espinosa aarestohin na (Sa armas at droga)

Gayunman, pilit pa rin siyang hinahatak ng suspek ngunit mabilis na tumakas nang tangkang arestuhin ng mga sekyu.

Dagdag ng biktima, matagal na niyang hiniwalayan ang FB boyfriend dahil madalas siyang bugbugin at pinapasubo siya ng baril.

Pansamantalang hindi ibinunyag ng mga awtoridad ang pangalan ng suspek upang hindi mabulilyaso ang isinasagawa nilang follow-up operation. (ED MORENO)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved