Friday , October 23 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Acting ni Bea sa “SBPAK” pinaghalong Vilma Santos, Dina Bonnevie at Hilda Koronel

Acting ni Bea sa “SBPAK” pinaghalong Vilma Santos, Dina Bonnevie at Hilda Koronel

081314 bea alonzo

ni Peter Ledesma

Tuloy ang mga nakawiwindang at nakasa-shock na kaganapan sa inaabangang Primetime Bida serye na Sana Bukas Pa Ang Kahapon starring Bea Alonzo and Paolo Avelino. Ngayong linggo, mas marami pang eksenang magaganap na hinding-hindi n’yo dapat palampasin, lalo na ngayong isa-isa nang lumalabas ang katotohanan. In fairness, wala na talaga kaming masabi sa galing ni Bea bilang aktres – as in siya na talaga! Para sa amin, talbog ang lahat ng mga kasabayan niyang aktres, sa nakikita kasi namin, parang pinaghalong Vilma Santos, Hilda Koronel at Dina Bonnevie ang akting niya kaya naman bawat eksena niya sa serye ay talagang kaabang-abang. Pero siyempre, gusto rin namin palakpakan sina Paulo at Maricar Reyes dahil hindi rin sila nagpapatalbog sa galing ni Bea.

In fact, wala kang itulak kabigin sa lahat ng artista ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon. Parang bawal ang bobong umarte sa seryeng ito ng Dreamscape Entertainment! Napapanood pa rin ito after Ikaw Lamang!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top