Wednesday , December 12 2018
Breaking News
You are here: Home / News / P.1-M payroll Money hinoldap Mensahero kritikal

P.1-M payroll Money hinoldap Mensahero kritikal

KRITIKAL ang isang messenger nang barilin ng isa sa tatlong ‘di nakilalang holdaper na tumangay ng P130,000 payroll money sa Valenzuela City kamakalawa.

Ginagamot sa Manila Central University (MCU) hospital ang biktimang si Jay Guinan, 38, messenger ng Pipe World Manufacturing, ng Area 3, Novaliches, Quezon City, sanhi ng isang tama ng bala sa likod na tumagos sa dibdib.

READ MORE:  Xavier HS stud nagtangkang mag-suicide sa 5/F (Problemado sa pamilya)

Tumakas ang mga suspek sa magkakahiwalay na direksiyon tangay ang halagang pampasuweldo sana sa mga empleyado lulan ng motorsiklo.

READ MORE:  ‘Ulo’ ng NHA sibakin (Kasunod ng HUDCC chief)

Dakong 2:00 p.m., nag-wtihdraw ang biktima sa Union Bank sa Brgy. Paso de Blas, pagbalik sa opisina, pagsapit sa kanto ng Miranda at Santiago Sts., hinarang ng tatlong suspek sakay ng dalawang motorsiklo saka hinoldap.

READ MORE:  Metro Manila tumbok ni Ruby — US Navy (Taliwas sa forecast ng PAGASA)

Pumalag ang biktima kaya binaril ng mga suspek bago tumakas tangay ang pera.

(ROMMEL SALES)

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved