Friday , April 19 2024

Bugrit sa underwear

00 Panaginip

Gud pm po,

Dnt post my cp no. Señor dhil nkkhiya itung txt q, khit pngnip lng naman, nngnip kci aqu na may dumi o ebak ang panty qu ng tngglin qu itu, jst call me shymomma… slamat po senor en more power s inyu..

To Shymomma,

Ang panaginip hinggil sa dumi ng tao ay nagpapakita ng paglabas ng iyong damdamin o emosyon, o pag-aalis sa mga bagay na walang pakinabang sa iyong buhay. Puwede rin naman na may mga pagkakataong ganito na nananaginip ang isang tao na kailangan niyang magpunta talaga sa banyo dahil iyon ang tunay na nararamdaman ng katawan niya habang natutulog. Tulad din ito na may mga pagkakataon na nakararamdam ka na naiihi sa panaginip, na kaya ito pumapasok sa panaginip mo ay dahil nararamdaman mo ito o kaya naman, nagpapadala ng mensahe ang iyong isipan sa nararamdaman ng iyong katawan. Nagsasaad din ang panaginip mo na dapat gamitin ang iyong full potential ng kakayahan mo sa lahat ng pagkakataon. Maaari rin naman na nagsasaad ito ng mga bagay na marumi at negatibo, pati na sa iyong sarili na pinaniniwalaan mo rin na hindi maganda. Dapat mong kilalanin ang mga ito kahit pa maaaring nakakahiya man ito. Ilabas ang mga negative sa iyong buhay. May mga paniwala rin na kapag nanaginip ng dumi o human waste ay nagsasaad ito ng possession, pride, shame, money/financial matters, o aggressive acts. Kaya maaaring may kinalaman din ito sa agam-agam hinggil sa usapin sa pera at financial security.

Ang panty naman sa panaginip ay nagre-represent ng feminine attitudes and feelings. Ito ay repleksiyon din ng hinggil sa female point of view. Maaaring may kaugnayan din ito sa idea ukol sa sexuality. Posibleng may kaugnayan din ito sa takot sa paglabas ng mga sikreto. O kaya naman, sa isang nakakahiya at hindi maipaliwanag na sitwasyon. Alternatively, ito ay nagpapakita rin ng totoong pagkatao ng nanaginip. Maaaring nagsasabi rin na kailangang malaman niya ang kabuuan lalo na ang pinaka-ilalim ng mga pangyayari. Nagsasabi rin ito ng mga ukol sa pribadong bagay. Kung nahiya na nakitang naka-panty ka lang, may kaugnayan ito sa agam-agam na ilabas ang tunay na damdamin, ugali, o iba pang nakatagong idea. Kung okay lang sa iyo na makita kang nakasuot lang ng panty, nagpapakita ito na handa ka nang ilabas ang ilang bagay na dati ay nakatago o isinisekreto mo.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

Krystall Herbal oil FGO Fely Guy Ong

Sugat sa paa sanhi ng labis na init sa tricycle pinatuyong Krystall Herbal Oil

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,          Ako po …

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *