Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Pataw na buwis vs bonus, allowances ng state workers kinatigan ng Palasyo

Pataw na buwis vs bonus, allowances ng state workers kinatigan ng Palasyo

080814 BIR kim henares pnoy

PINABORAN ng Palasyo ang mahigpit na pagpapatupad ng pagpapataw ng buwis ng Bureau of Internal revenue (BIR) sa mga bonus at allowance na tinatanggap ng mga kawani ng gobyerno.

Depensa ni Presidential Sookesman Edwin Lacierda, hindi nagpapataw ng panibagong pagbubuwis ang gobyerno sa mga empleyado ng pamahalaan, bagkus ay sinusunod lamang ni BIR Commissioner Kim Henares ang nakasaad sa Section 32 ng Tax Code of 1997 na nagsasabing lahat ng kompensasyong ‘cash or in kind’ ay kailangang patawan ng income tax o witholding tax at ang tanging exemption ay ‘yung mga tumatanggap ng P30,000 pababa.

Alinsunod din sa Tax Code section 272, ang sino mang mabigong magbayad ng kaukulang income tax sa bonus at allowance ay papatawan ng kaukulang parusa, at ito ang naging batayan nang sampahan ng tax evasion case si dating Chief Justice Renato Corona.

Ang pahayag ng Malacañang ay makaraan maghain ng petisyon sa Korte Suprema ang 12 grupo ng government employees association para kwestiyonin ang hakbang ni Henares na istriktong ipatupad ang pagbubuwis sa mga bonus at allowance na tinatanggap ng mga kawani ng gobyerno.

(ROSE NOVENARIO)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top