Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Misis todas habang ka-skype si mister (Hubo’t hubad sa harap ng laptop)

Misis todas habang ka-skype si mister (Hubo’t hubad sa harap ng laptop)

0880814 skype cyber computer laptop

VIGAN CITY – Walang saplot at patay na nang makita ang isang ginang sa loob ng kanyang kuwarto sa inuupahang bahay sa Sinait, Ilocos Sur kamakalawa.

Ang biktima ay kinilalang si Rose Jean Ibea, 41, asawa ng seaman, at mayroong tatlong anak, ng Brgy. Masadag nguni’t nangungupahan sa Brgy. Rang sa nasabing bayan.

Batay sa imbestigasyon ng PNP Sinait na pinangunahan ni Sinait Police chief, C/Insp Greg Guerrero, nadatnan ng kanyang anak na elementary pupil ang biktima na wala nang buhay sa kanyang kwarto.

Ayon sa mga awtoridad, nakahandusay sa sahig ang biktimang kaliligo lang, walang salawal at patay na.

Base sa conversation nang nakabukas na laptop, nag-i-Skype ang biktima at ang kanyang asawang seaman na nasa Alaska, USA nang nangyari ang insidente.

Ilang beses pang tumawag ang seaman at nag-message kung nasaan na ang kanyang misis dahil hindi na niya makita sa Skype.

Ayon kay Guerrero, walang senyales nang posibleng paghalay sa biktima at wala rin palatandaan ng force entry sa kanilang bahay.

Isasailalim sa awtopsiya ang bangkay upang mabatid ang sanhi ng pagkamatay ng biktima.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top