Thursday , April 25 2024

Friendship nina Alex at Ryan, nagkalamat na

00 fact sheet reggeeHINDI na pala naibalik ang closeness nina Alex Gonzaga at Ryan Bang dahil sa biruang humantong sa pikunan.

Ito ang kuwento ni Alex nang makatsika namin siya, “ano, nakapag-usap na kami sa isa’t isa, pero siguro hindi na lang parang dati na (close), kasi napagsabihan na rin ako ng ate (Toni Gonzaga) ko.

“Ang dami ko na rin kasing narinig na sinabi niya behind my back na ‘yun ang mas ikina-hurt ko,” pagtatapat ng dalaga.

Sa madaling salita, sobrang naging madaldal si Ryan dahil kung ano-anong tsika niya sa ibang tao at nakagugulat dahil para sa amin ang gumagawa lang nito ay masasabing ‘gays’ kaya natanong namin ang Pure Love star kung ano ang pagkakakilala niya sa Showtime host?

”(He’s) happy, ha, ha, ha, happy oh,” humalakhak na sabi ni Alex. Hayan, biro-biro na naman ang sagot ng dalaga baka iba na naman ang dating kay Ryan.

Nagkaliwanagan na raw ang dalawa, “na-explain na namin ang both sides at this time, makikinig na lang ako sa ate ko na, ‘you really earned to have friendship, hindi basta-basta ang mga taong pinagkakatiwalaan mo’.

080714 Ryan Bang alex gonzaga
“Kahit nga ‘yung mga taong pinagkakatiwalaan mo ng ilang taon, puwedeng mag (traydor) sa ‘yo, eh,” kuwento ni Alex.

Hindi naman itinanggi ni Alex na may mga mali rin siya kung bakit sila nagkapikunan ni Ryan kasi may mga biro rin siyang sinabi sa national TV.

“Siya (Ryan) rin naman may mga birong off sa akin. So, ‘pag iisipin ng ng ibang tao, (nakakapikon) so, nawala sa isip ko rin kasi nga hindi ako nag-iisip, eh,” kuwento ng aktres.

”Kung hindi kami magkaka-intindihan, ayoko ng ipilit talagang maging friends kami, laging isa sa amin kailangang umunawa, so since ako ‘yung mas nakatatanda, ako ang uunawa, tapos may narinig ka pang hindi maganda, so parang tainted na talaga ‘yung pagkakaibigan namin,” sabi pa.

Sa nakaraang event ng Yes Magazine para sa 100 Most Beautiful Stars 2014 ay hindi kabilang si Alex kaya ang payo ng ate Toni niya ay kailangang mag-effort para gumanda at para mapasama na siya sa susunod na taon.

“Eh, kasi ako ‘yung 101, eh, kinaltas. Tinanong ko sila (‘Yes Mag’), eh, sabi nga nila, ako ‘yung pang 101, so 101 Dalmatians ako,”tumatawang kuwento ng bunso nina Mommy Pinty at Daddy Carlito.

Sino ang kailangang tanggalin para mapasok si Alex sa 100 Most Beautiful, “walang tatanggalin, idaragdag ako, okay lang ‘yun, tutal last year kasali naman ako,” natatawa uling sagot ni Alex.

About Reggee Bonoan

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *