Friday , May 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Breaking News / Distressed OFW mula Saudi nagbigti

Distressed OFW mula Saudi nagbigti

LAOAG CITY – Nagbigti ang isang distressed overseas Filipino worker (OFW) makaraan umuwi sa kanyang pamilya mula sa Saudi Arabia.

Ayon kay Barangay Chairman Melecio de los Santos ng Brgy. Darasdas, Solsona, mula nang manggaling sa Saudi si Clarence Concepcion, tubong Solsona, Ilocos Norte, ay hindi na lumalabas sa kanilang bahay at hindi na rin umiimik.

Base sa mga kuwento ng ilang kapitbahay, si Concepcion ay umuwi mula Saudi makaraan mahulog sa pinagtatrabahuang construction company at nabagok ang kanyang ulo.

Gayon man, hindi makompirma kung nagkaroon ng diperensiya sa utak dahil sa pagkakabagok maliban sa hindi masyadong pagsasalita ng biktima.

Kung magsalita man anila ay napapaiyak at sinisisi ang sarili sa pagkamatay ng kalilibing lamang na ama.

Labis din ang kalungkutan ng asawa ni Concepcion na nasa Malaysia nang mabalitaan ang nangyari sa kanyang asawa.

Si Concepcion ay natagpuang nakabigti sa loob ng kanyang kwarto.

(BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top