Wednesday , April 24 2024

Lyca, ‘di natakot makipagsabayan sa Aegis

080414 lyca the voice kids ph

Letty G. Celi

NAIYAK ako kay Lyca at hanggang ngayon ay hindi pa rin kami maka-get over sa Grand Champion ng The Voice Kids na natapos na kamakailan with hosts Luis Manzano and Alex Gonzaga at mga coach nila na sina Lea Salonga, Sarah Geronimo, at  Bamboo.

Lahat naman ng mga finalist na sina  Darren, Darlene, at Juan Karlos ay magagaling pero si Lyca na youngest at pinaka-maliit pa ang nag-wagi! Instant millionaire at take note na nangungolekta rati ng mga bote, platic o dyaryo ang kanyang mga magulang na tulak-tulak ang kariton at doon na rin sila nakatira.

Ang kanyang coach ay si Sarah G. kaya naman na-trained siya nang husto. Sa final night ng The Voice Kids, may kanya-kanyang bigating ka-duet ang mga bata na pawang sikat na mga recording artists kaya grabe ang production number ng singing show na ginanap sa Resorts World. Nag-performed sina Gary Valenciano, Lani Misalucha, Martin Nievera at iba pa. Ang kaagapay ni Lyca ay ang Aegis na super birit din. Pero hindi natakot ang bagets na makipagsabayan. Grabe!

Sobrang nakakikilabot ang apat na batang ito at lahat ay magagaling. Kaso isa lamang talaga ang maaaring manalo at ang kauna-unahang The Voice Kid champion. And the lucky winner na siMadam Cory Vidanes ang nag-announce ay si Lyca. Bumaha ng luha sa stage dahil lahat ng contestant ay umiyak. Si Juan Karlos, binuhat si Lyca dahil sa totoo lang, kahit sino sa kanila ay kapana-panalo talaga. Text votes talaga ang makapangyarihan.

Nag-campaign kaya si Sarah sa kanyang Popsters? Congrats, Lyca. God is good! Marunong talaga si God. May bahay ka na at ang pamilya mo!

Sex video ni Paolo, kulelat na!

SA totoo lang, ‘yung umano’y sex video ni Paolo Bediones, ang head ng News Department ngTV5 na pinag-uusapan ngayon sa tabi-tabi ay talaga nga raw si Paolo ‘yung guy na nakikipag-lambutsingan sa isang magandang sexy girl at marami raw ang nakapanood na.

Sa totoo lang, hindi na ito bago, ang daming artista na rin ang mas nauna pang gumawa ng mga sex video na ‘yan! Kumbaga, uso raw eh. May mga sikat ding mga showbiz personality, comedian, singer at mga non-showbiz na gumawa na rin ng sex video. Kaya medyo kulelat na ang video ni Paolo.

At least, siya babae ang kalambutsingan, ibig sabihin matulis talaga ‘yung kanya, ‘yung iba kasi kapwa niya lalaki o babae ang kasama sa video na agad namang kumakalat lalo na sa mga internet site.

Aljur, dapat naghinay-hinay sa pagdedesisyon

SAYANG itong si Aljur Abrenica, hindi siya nakapaghintay, mainipin siya, nagpapakalas siya saGMA Network na sa aminin o hindi, ito ay nagbigay sa kanya ng pagkakataon na makapasok sa mundo ng telebisyon at pelikula na sa madaling salita ay hindi siya makikilala bilang Aljur Abrenica kesehodang hindi pa siya natatawag na superstar basta sapat ng masabing artista na siya.

‘Yung kahit na hindi siya marunong umarte ay tinatawag pa rin siyang artista lalo na ngayon na may issue siyang “ungrateful” dahil kumakalas na siya sa GMA7, dahil yata tila may sama ng loob si Aljur sa Siete, maraming hindi sila mapagkasunduan, ‘di napagbigyan, may issue na hindi siya nabigyan ng komisyon ng network sa isang product endorsement, kesyo hindi niya nagustuhan ‘yung title ng album niya na, Nota, (sus, ang word na nota kasi ay madalas ginagamit na salitang balbal para sa hinaharap ng lalaki pero pwede namang i-apply sa music, komporme lang ‘yan sa nag-uusap kung laswaan).

Pero sa showbiz kasi kahit malaswa o kabastusan, hindi na masyadong binibigyan ng big issue, joke, joke na lang! Right, Aljur! At ewan ko na lang kung ano pa ang mga bagay-bagay na dahilan kung bakit gustong iwan ni Aljur ang GMA7 na ang alam namin ay 2017 pa ang expiration ng contract. Kung sa TV5 Kapatid naman ang lipat niya, no match siya kay Derek Ramsay na maganda ang naging career pagkatapos lumipat galing ABS-CBN.

Baka hindi rin niya maabot si Shalala na hataw ang pagiging comedian at daming nilalabasan eh, sa GMA din siya galing pero maganda ang status niya lalao na’t siya ay protégée ni Kuya Germs sa segment nila na Walang Tulugan sa Master Showman at lalong hindi siya si Vic Sotto, Joey de Leon, at Ogie Alcasid na may GMA7 na, okay pa rin sa TV5, O, ‘di ba?

Sana hinay-hinay lang sa desisyon. Esep-esep din ‘pag may time.

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *