Wednesday , July 8 2020
Breaking News
You are here: Home / News / DFA elevator bumigay 1 tepok, 2 sugatan

DFA elevator bumigay 1 tepok, 2 sugatan

073014_FRONT

BUMIGAY ang kinukumpuning elevator sa ikaanim palapag ng gusali ng Department of Foreign

Affairs (DFA) na ikinamatay ng isang maintenance habang sugatan ang dalawang kasamahan sa

Pasay City kamakalawa.

Nalagutan nang hininga bago idating sa San Juan De Dios Hospital si Regalado Gutierrez,

32, repairman ng Hyatt Elevator and Escalator Corporation, ng #78 Unit-5 Wespoint St.,

Cubao Quezon City, bunga ng pinsala sa  katawan.

Habang nakaratay sa nabanggit na pagamutan at inoobserbahan ang dalawa pang mga biktima

na sina Ricardo Cervante at Jejomar Laguran.

Base sa naantalang report nina SPO3 Allan Valdez at SPO1 Evaresto Sarangey, dakong 10:10

a.m. nang mangyari ang insidente sa South Wings ng ika-6 palapag ng DFA habang

kinukumpuni ng tatlong biktima ang elevator.

Sinasabing natanggal ang tornilyo sa bracket kaya bumigay ang elevator.

ni JAJA GARCIA

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top