Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Buntis, 2 paslit tostado sa sunog

Buntis, 2 paslit tostado sa sunog

TATLONG kasapi ng isang pamilya ang patay nang makulong sa nasusunog na bahay sa Brgy.

Coronon, Sta. Cruz, Davao del Sur nitong Lunes ng tanghali.

Kabilang sa mga namatay ay si Noriza Hilay, walong buwan buntis; anak na si Paulo, 2; at

pamangkin na si Hinata, 3-anyos.

Ayon sa kasambahay na si Susana Montecerin, natutulog ang tatlo sa ikalawang palapag ng

bahay nang magsimula ang sunog.

Sinubukan nilang iligtas ang mga biktima ngunit dahil sa lakas ng apoy ay hindi na nila

nagawang isalba kaya kasamang nilamon ng apoy.

Inaalam pa ng Bureau of Fire Protection (BFP) ang dahilan ng sunog o kung may kinalaman

sa electrical short circuit. (BETH JULIAN)

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top