Friday , April 19 2024

Marion Aunor, bilib sa professionalism ni Kathryn Bernardo

072814 Marion Aunor kathryn

   

ni Nonie V. Nicasio

KATATAPOS lang i-record ng teenstar na si Kathryn Bernardo ang isa sa compostion ng fast rising singer/songwriter na si Marion Aunor. Isa sa masaya at excited para sa album ni Kathryn ay ang pa-nganay na anak ni Maribel Aunor.

“Kagabi po iyon (July 24), kasama po sa upcoming album ni Kathryn, isa roon sa six songs niya, ako po ang gumawa. Bale, sinupervise ko po i-yong recording session.

“Bagay po sa kanya yung song, bagay po sa voice niya yung style ng song, nag-fit naman po. Parang cutesie-cutesie na break-up lovesongs, ganoon,” esplika ni Marion nang makahuntahan namin siya sa 51st birthday celebration ng kanyang mahal na ina na ginanap sa McKinley Hill Village Clubhouse.

Ipinahayag din Marion na hanga siya sa professionalism ni Kathryn. “Excited talaga ako, kasi, iyon ang first time na ang composition ko ay kakantahin ng iba. Parang iba pa rin ang feelings e.

“Tinatanong pa sa akin ni Kathryn, kung ano raw ang story behind the song, Gusto raw ni-yang malaman para kapag in-interpret niya, alam daw niya talaga ang paghuhugutan niya.

“Mabait po siya, medyo mahiyain nga po nang kaunti. Parang feeling ko, ang humble niyang person.”

Idinagdag niyang natuwa siya sa attitude ni Kathryn. “Natuwa ako sa kanya, ibang klaseng artist talaga siya na hindi lang sa acting, na pati sa music pala.

“Feeling ko magugulat ang mga tao na mag-a-album si Kathryn Bernardo. I mean, after Daniel Padilla ay si Kathryn naman. Makikita mo naman na de-dicated talaga si Kathryn sa paggawa ng kanyang album. Na gusto talaga niyang makagawa ng magandang album para sa fans niya. Kaya nakai-inspire na ganoon pala siyang type ng artist,” nakangiting saad ng dalaga.

Nagpasalamat din si Marion sa fans ni Kathryn dahil this early ay inaabangan na nila ang album ng teenstar at dahil ikinakalat na nila ito thru Twitter. “Thank you sa fans ng Kathniel, kagabi ang da-ming nagre-retweet lang, tuloy-tuloy lang iyong Twitter time line ko, talagang ini-spread nila iyong kanta. So, natutuwa talaga ako sa Kathniel fans dahil tinutulungan nila akong i-spread iyong music ko.

“Magandang feeling na ‘yong composition mo ay ganoon ang effect at ganoon ang tingin ng ibang tao.”

Bukod sa composition niya para kay Kathryn, humahataw talaga ngayon si Marion dahil ginagawa na niya ang kanyang second album. Naatasan din si-yang mag-intepret ng kanta para sa Himig Handog this year. Kakantahin niya ang komposiyon ni Jungee Marcelo na sumulat ng Nasa Iyo Na Ang Lahat ni Daniel Padilla last year.

Samantala, ano ang birthday wish mo sa iyong mommy?

“Well, nang tinanong po namin si mom kung ano ang wish niya, sabi niya ay wala na siyang mahihiling pa. Kasi, lagi po siyang nagpe-pray kay God and all that. So, parang Siya na lang po ang bahala, si God na lang po ang bahala kung ano pang blessings ang ibibigay Niya sa amin.

“Sana mag-stay close pa siya kay God, para mas bigyan pa siya ng mas maraming blessings”.

Kinantahan nila ng tribute songs ang kanilang ina sa special na araw nito, anong mga song iyon?

“Iyong Dalaginding po, yung dati niyang kanta at iyong sister ko naman po ay A, Ewan ang kinanta para kay Mom.Tapos iyong Mr. Guwapo, iyan po ang mga kanta ni Mommy noong teenstar pa siya,” nakatawang saad ni Marion.

Kinanta rin ng mag-iina ang Take A Chance na isa sa kom-posiyon ni Marion at kabilang sa self-titled album niya mula Star Records.

Ang Lola Belen naman niya at 85, nagpakitang gilas sa pagkanta at naggitara pa. Nagko-compose din si Mamay Belen mostly ng Christian songs, kaya naka-bibilib talaga ang pamilya nina Ms. Maribel sa talento sa music.

About hataw tabloid

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *