Saturday , December 13 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

Jake, sobrang kinamumuhian ng viewers sa sama ng karakter sa Ikaw Lamang

00 fact sheet reggeeGRABE ang daming galit kay Jake Cuenca dahil ang sama-sama raw ng karakter niya sa seryeng Ikaw Lamang. Positibo naman ito para sa aktor dahil ibig sabihin ay magaling umarte si Jake dahil nagagampanan niyang mabuti ang papel niya bilang kontrabida ni Coco Martin.

May malaking epekto rin ito in terms of ratings game sa Ikaw Lamang dahil may mga taong naglilipat ng ibang channel kapag si Jake raw ang ipinaKIkita.

“Masyado na kasing depressing ang karakter ni Jake, sobrang sama niyang tao na parang hindi naman ganoon sa totoong buhay kung sakaling may ganoon g politiko na masyadong gahaman sa posisyon,” komento mismo ng isang katoto na hindi na namin papangalanan pa.

072414 jake cuenca
Sabi namin na ganoon naman talaga ‘pag nasa posisyon ka, gahaman, maski nga ordinaryong tao kapag may posisyon sa trabaho o kakilalang mataas na opisyal, nag-iiba ang ugali.

Pero humirit ang katoto, “hindi, walang ganoon, politiko nga sila, lagi silang nakangiti sa tao at pakitang tao talaga sila.”

Paliwanag namin na pakitang tao nga ang ginagawa nila pero may ginagawang hindi maganda sa talikuran, eh, sino ba ang pumatay kay Ninoy Aquino, hindi ba’t politika rin ang dahilan na hanggang ngayon ay walang nakaaalam? Kaya posibleng may pinanggayahan ang karakter ni Jake bilang Mayor sa bayan nila sa kuwento ng Ikaw Lamang.

Humirit ang kilalang artista na nakakapanood din ng Ikaw Lamang, “oo nga, ang sama-sama ni Jake, laging galit, parang nakakainis na ring panoorin.

“At saka bakit ganoon, mayor lang siya, bakit mas powerful siya sa tatay niyang si Tirso (Cruz) na gobernador? Mas mataas ang gobernador, ‘di ba? At saka ang dami-daming kontrabida roon, nakakainis din si Ronaldo Valdez.”

Oo nga, bakit nga ba mas powerful ang mayor sa governor? Kaya tinanong namin ang Adprom head ng Dreamscape Unit na si Biboy Arboleda tungkol dito at sinagot kami ng, “ask ko Rondel (Lindayag) and Reggie (Amigo).”

Ang mga nabanggit ay ang creative consultant ng nasabing unit.

Pero sa kabilang banda ng napakasamang karakter ni Jake ay marami naman ang nagsabing, “magaling talagang umarte si Jake ‘no? Deserving naman niya talaga ang award niyang Best Kontrabida Actor of the Year sa nakaraang Yahoo Awards.”

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …