Tuesday , December 11 2018
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot nangisay sa kagat ni kuya

Kelot nangisay sa kagat ni kuya

TODAS ang isang 22-anyos na lalaki matapos sapakin at kagatin sa dibdib ng kanyang kuya na inawat nya nang makitang sinusuntok ang kanilang ina sa Hamtic, Antique.

Namatay ang biktimang si Ronnie Sasi, 22, pagkatapos makipambuno sa kanyang nakatatandang kapatid na si Randy, 32, sa kanilang bahay sa Barangay Buhang.

READ MORE:  Barong Tagalog ok sa int’l critics

Sa salaysay ng kanilang ama, pinipigilan ni Ronnie ang suspek na lasing na lasing umano sa alak habang sinusuntok ang kanilang ina.

Ibinaling ng suspek ang galit sa kapatid na umaawat kaya pintserahan at kinagat.

READ MORE:  Taas-pasahe ng MRT/LRT epektibo sa Enero 4 (Pagkatapos ng Pasko at Bagong Taon)

Bago tumakas ang suspek at naaresto na siya ng mga rumespondeng pulis at umamin sa kanyang nagawang krimen.

‘’Pinagtanggol ko ang sarili ko kasi ginapos nila ako. Kinagat ko siya dahil hindi ako makahinga,’’ depensa ni Randy.

Inaalam ng pulisya ang tunay na dahilan ng pagkamatay ng biktima na ayon sa ilang doctor na sumuri sa bangkay ay posibleng inatake sa puso ang biktima.

READ MORE:  Sundalo, driver ng mayor sugatan sa Basilan blast

Inihahanda na ang kasong parricide na isasampa laban sa suspek na ngayon ay nakapiit sa detention cell ng Hamtic Police station.

COMMENTS

About hataw tabloid

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved