Sunday , December 14 2025
https://www.facebook.com/bingoplusph

KathNiel, walang MMFF entry; Vice at Ser Chief, magsasama sa Praybeyt Benjamin 2

00 fact sheet reggeeINAMIN ni Direk Wenn Deramas na ibang pelikula ‘yung gagawin nina Vice Ganda at Daniel Padilla kasama si Kathryn Bernardo at ang Praybeyt Benjamin 2.

Usapan kasi rati na magsasama sina Vice at Daniel para sa Metro Manila Film Festival entry ng Star Cinema at Viva Films ngayong 2014.

“Hindi, eh, kasi hindi umabot at saka hindi pa rin namin maisip kung anong kuwento. Super hero ang concept niyon,” katwiran ni direk Wenn.

Kaya sina Vice at Richard Yap daw ang magkasama sa Praybeyt Benjamin 2.

071114 kathniel vice richard yap
May nakatsikahan din kaming taga-ABS-CBN na walang entry ang KathNiel sa MMFF dahil nga may She’s Dating The Gangster na ang dalawa na ipalalabas na sa Hulyo 16.

Dagdag sitsit pa na nahahati raw kasi ang kita kapag MMFF kaya mas mainam na lang daw na huwag na lang.

Sabagay, ito rin ang nabanggit sa amin ni direk Cathy Garcia-Molina nang makatsikahan namin ng solo na maraming kalaban ang Pagpag nina DJ at Kath noong nakaraang MMFF 2013.

At tiyak na matutuwa sina Daniel at Kathryn dahil nominado ang Pagpag bilang best picture sa 62nd Famas na gaganapin sa Hulyo 13.

Sayang, nag-e-expect pa naman ang fans ng KathNiel na may entry sila ngayong MMFF 2014.

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Reggee Bonoan

Check Also

Ka Tunying Anthony Taberna

Ka Tunying nilinaw Discaya ‘di kilala; ‘Di apektado sa banat ni Amador 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez IGINIIT ni Anthony ‘Ka Tunying’ Taberna na hindi niya personal na kilala ang mag-asawang Curlee at Sarah …

Lito Lapid

Nasa gawa tunay na paglilingkod

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BAGAMAT “artista lang” ang tingin sa kanya ng mga mapanghusga, pinatunayan …

Lito Lapid

Biopic ni Sen Lito gagawin ng isa sa mga apo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus SPEAKING of mga anak at apo, talaga palang sinabi ni Senador Lito …

Lito Lapid Coco Martin

Sen Lito suportado si Coco saan man lilipat

PUSH NA’YANni Ambet Nabus “HUWAG ninyong galawin iyan. Para sa mga anak at apo ko …

Love Kryzl Kiray Celis Stephan Estopia 2

Batang CEO ng Purple Hearts goal ang makatulong sa mga kabataan

HARD TALKni Pilar Mateo WHAT’S a girl of nine to do? Karaniwan a nine year …