Wednesday , January 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sen. Kiko, iginiit na never naging unfaithful kay Sharon

Sen. Kiko, iginiit na never naging unfaithful kay Sharon

ni Rommel Placente

SA guesting ni Sen. Kiko Pangilinan sa programang Bawal Ang Pasaway Kay Mareng Winnie ng GMA News TV ay diretsahang sinabi ng host nito na si Winnie Monsod sa senador na narinig daw niya na may mistress at anak ito sa labas.

Pero ayon kay Sen. Kiko na natatawang sumagot ay hindi raw ‘yun totoo. Lumabas daw ang tungkol dito during election.

Pero mukhang hindi naniwala si Mareng Winnie sa naging sagot sa kanya ni Sen. Kiko kaya sinabi niya ritong, ”Look at me straight in the eye and say that you have never been unfaithful to Sharon Cuneta?”

Na sumagot naman ang mister ng megastar ng, ”I’ve never been unfaithful, that’s true.”Buwelta muli ni Winnie: ”Baka naman Sharon would call me up and say, ‘He’s a liar!’”

Sabi naman ni Sen. Kiko ay hindi raw ‘yun gagawin ni Sharon. At kung malalaman daw nito na naging unfaithful siya ay sisipain daw siya nito palabas ng kanilang bahay.

Ayon pa kay Sen. Kiko, noong hindi nga raw napatunayan ng kanyang detractors at kalaban sa politics na may iba siyang babae bukod kay Sharon ay sinasabi naman daw ng mga ito na isa siyang bakla.

“So, ano ba ito? Am I supposed to be a womanizer or am I supposed to be gay, ‘di ba? “It’s… that’s dirty politics,” sabi pa ng magiting na senador.

Noon pa ang tsismis na ito kay Sen. Kiko pero wala ngang nakapagpatunay na may mistress siya at nagkaroon ng anak dito. Natatandaan pa nga namin na napikon na si Sharon sa isyu kay Sen. Kiko kaya naghamon siya na magbibigay siya ng P1-M sa sinumang makapagpapatunay na may ibang babae ang kanyang asawa.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top