Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Carla at Geoff, naghiwalay dahil sa religion

Carla at Geoff, naghiwalay dahil sa religion

ni Roldan Castro

RELIGION ang isa sa itinuturong dahilan ni Gina Alajar kaya naghiwalay sina Carla Abellana at ang anak niyang si Geoff Eigenmann.

“One of the many reasons but it’s not a major reason. Like I said religion is religion, at the end of the day pareho lang kayo ng pinaniniwalaan, Diyos, ‘di ba? It’s just a way of how you practice your faith, he’s a Christian I’m Roman Catholic. Pero nagagawan naman ng paraan ‘yun, ‘di ba?Puwede namang mag-a-attend ako ng service, puwede namang siya rin mag-a-attend ng mass, ‘yung ganoon. It’s not one of the major reasons pero isa na rin, I guess sa ano, important factors,” deklara ni Carla.

Inakala rin ni Direk Gina na hahantong sa kasalan ang dalawa.

“Eh, ‘yun naman ang akala ng lahat, ‘di ba, roon din naman kami umasa, kumbaga. So hindi ka naman magtatagal sa isang relationship kung hindi iyon ‘yung goal mo, eh. Kung hindi iyon ‘yung gusto mo. So madami talaga ang nag-akala that we will end up together, ‘di ba? Pero fortunately hindi puwede,”  bulalas pa ni Carla.

Si Carla pa ang nagsabi kay Direk Gina na hiwalay na sila ni Geoff. Hindi kasi nagsasalita si Geoff at minsan hindi mo malalaman na may problema na pala siya.

Tsuk!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top