Wednesday , January 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktres, aware na nabibilang sa mga sirenang walang buntot ang kaibigan

Aktres, aware na nabibilang sa mga sirenang walang buntot ang kaibigan

ni Ronnie Carrasco III

CUTE ang kuwentong ito ng isang sikat na aktres at ng isa niyang  kaibigan. Aware na rin pala ang aktres na ang aktor na minsan niyang nakasama sa isang pelikula ay nabibilang sa mga sirenang walang buntot (read: bading).

Bigla tuloy naalala ng aktres ang panahong nagdadalamhati siya sa kanyang mahal sa buhay. Pagbabalik-tanaw niya, ”Natatandaan ko na ganoon na lang ang iyak ni (pangalan ng natsitsismis na beking aktor), hindi kaya…?” she paused in mid-sentence.

Ang nais pala niyang sabihin sa kanyang biting pagtatanong ay kung may pagtingin ang aktor sa kanyang loved one (SLN). Moments later, idinaan na lang sa komedi ng aktres ang kanyang siguro nama’y imposibleng sapantaha, ”’Di bale, ako rin naman…iba na ang type ko.”

Wala na pong clue.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top