Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ai Ai, opening salvo ni Direk Wenn sa 2015

Ai Ai, opening salvo ni Direk Wenn sa 2015

ni Eddie Littlefield

DAPAT sana’y kay Judy Ann Santos ang role ni Iza Calzado sa pelikulang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema.

Ayon sa magaling na actress, agad siyang pinalitan ni Ms. Iza. Hindi raw tinanggap ni Juday ang proyekto dahil may indie film itong gagawin. Pero may tsikang, kinausap daw ng actress si Malou Santos at sinabing gusto muna niyang unahin ’yung kanyang solo film sa Star Cinema bago ang horror film ni Direk Wenn Deramas.

Hindi pumayag si Malou dahil may playdate na raw ang pelikula. Gagawin muna raw ni Juday ang MLT habang inihahanda ang solo drama film na dapat sana’y sisimulan niyang  gawin after maipalabas ang horror film ni Direk Wenn.

Nang hindi tanggapin nina Juday at Eugene Domingo ang project, binago ni Direk Wenn ang  character sa script para bumagay kina Iza at Zanjoe Marudo. Hindi kaya ng hectic schedule ni Uge  kaya tinanggihan niya ang pelikula ni Wenn. Ginawa niyang bakla ang character ng actress.

Pati script ipina-revise nito. Si Uge ginawa niyang bakla sa katauhan ni Zanjoe. Tuwang-tuwa naman naman si Direk Wenn dahil napapayag niya ang Star Cinema. Blessing nga raw dahil  kumita ang pelikula nina Zanjoe at Pokwang, ayon kay Mico del Rosario.

Naikuwento ni Direk Wenn na nagkausap sila ni Sharon Cuneta para gumawa ng pelikula.

“Tinawagan ako ni Sharon, nagtatampo… Sabi niya, ‘Ikaw Direk, hindi mo na ako ginagawan  ng pelikula’. ‘Sabi ko, cge meg basta upo tayo’. I think ,hindi namin nagawa ‘yun dahil diretso   storycon na kami diretso shooting. Gusto ko siyang makasama dahil masaya ‘yung ginawa naming, ‘yung ‘BFF’.

“Pero ngayon, gusto ko may colaboration in terms na gusto ko nandoon ‘yung puso, isip.  Ganoon na ako ngayon makipag-deal sa ginagawa ko dahil ganoon ako. Kami ni Vice-Ganda, kunwari meeting with the management of Star Cinema storycon. ‘Yan si Vice, nagde-date kami  n’yan, nagdi-dinner kami dini-discuss namin kung ano ang bago. Favorite niya ang ‘Girl, Boy, Bakla, Tomboy’ na kumita ng P436-M. Ako, ‘Preybet Benjamin’ at saka na-nominate pa  ‘yan sa Okinawa, Japan.”

Next year, malamang daw na si Ai Ai Delas Alas ang opening salvo ni Direk Wenn  for 2015.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top