Monday , November 17 2025

ABS-CBN shows, mas pinanonood

ni Roldan Castro

MAS pinanonood pa rin ang ABS-CBN sa mas maraming kabahayan sa buong bansa noong Hunyo matapos pumalo ang average audience share nito sa 45% , base sa datos ng Kantar Media.

Ang Umaganda (6:00 a.m.-12 noon) ng ABS-CBN ay nagkamit ng average audience share na 39%. Isa sa pumatok dito ay ang game show na The Singing Bee, na may national TV rating na 12.9%.

Nakakuha ng average audience share na 40% ang ABS-CBN para sa early afternoon block (12 noon-3:00  p.m.) nito, 42% pagdating sa late afternoon block (3:00 p.m.-6:00 p.m.).

Hindi pa rin natitibag ang Kapamilya Network pagdating sa primetime block (6:00 p.m.-12 midnight) na may average audience share na 51%. Ang patuloy na pamamayagpag ng Primetime Bida ay bunsod ng mga dekalidad nitong teleserye kabilang na ang The Legal Wife na nagwakas noong Hunyo 13 sa record breaking national TV rating na 36.2%. Patuloy namang nag-aagawan ang  Dyesebel at Ikaw Lamang sa una at ikalawang puwesto sa listahan ng mga pinakapinapanood na programa tuwing weekdays. Mainit namang sinalubong ng mga manonood ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon ni Bea Alonzo noong Hunyo 16 sa national TV rating na 21.7%

Muling pumatok ang pagbabalik ng legal drama seryeng  Ipaglaban Mo na hango sa mga tunay na pangyayari. Patunay nito ang average national TV rating na 13.8.

Nakamit naman ng The Voice Kids ang all-time high national TV rating nito na 37.6% noong Hunyo 8. Ang naturang singing reality show din ang nanguna sa listahan ng 15 pinakapinanood na programa sa bansa noong Hunyo sa national TV rating na 35.6%.

Sa kabuuan, 13 programa sa nasabing listahan ay mula sa ABS-CBN kabilang na angDyesebel (31%), Ikaw Lamang  (30.7%),  Maalaala Mo Kaya (30%), The Legal Wife(28.8%),  Wansapanataym  (28%), TV Patrol (26.8%), Rated K (23.3%),  Sana Bukas Pa Ang Kahapon (21.4%), Mirabella (19. 6%),   Home Sweetie Home (18.8%), Goin’ Bulilit (18.7%), at It’s Showtime tuwing Sabado (16.5%).

Boom!

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About hataw tabloid

Check Also

NCCA National Artists

Vilmanian may panawagan sa NCCA 

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BINIGYAN kami ng kopya ng mga kapwa Vilmanian ng naging sulat-panawagan nila sa NCCA at CCP …

MTRCB Lala Sotto

Chair Lala Sotto, pinangunahan ang panunumpa ng mga bagong opisyal ng MTRCB

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio PINANGUNAHAN  ni MTRCB Chairperson at CEO Lala Sotto ang panunumpa …

GMA Kapuso Foundation GMAKF

GMA Kapuso Foundation walang tigil sa paghahatid ng tulong

RATED Rni Rommel Gonzales PATULOY ang buong puwersa ng GMA Kapuso Foundation (GMAKF) sa paghahatid ng tulong …

Rodjun Cruz Kryzl Jorge Liezl Jorge Purple Hearts vitamins

Rodjun blessing ang Purple Hearts

RATED Rni Rommel Gonzales GRAND winners sina Rodjun Cruz at Dasuri Choi sa katatapos na grand finals ng Stars On …

Min Bernardo Kathryn Bernardo

Ina ni Kathryn pumalag, ipinagtanggol ang anak

MATABILni John Fontanilla HINDI naibigan ni Mommy Min Bernardo, ang mga post na gamit ang larawan …