Wednesday , January 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / John at Toni, magkasama sa hirap at ginhawa

John at Toni, magkasama sa hirap at ginhawa

ni Roldan Castro

DAGSA ang mga isyu na hinaharap ng mga karakter nina John Lloyd Cruz at Toni Gonzaga sa hit sitcom na Home Sweetie Home, pero hindi sila bibitiw—importante na magkasama raw sila kahit anong kahirapan ang dumating.

Sa episode ngayong Sabado (Hulyo 5), nag-aalala si Romeo (John Lloyd) dahil laging pagod ang kanyang sweetie na si Julie (Toni)—late na nakakauwi at panay trabaho pa rin kahit nasa bahay na.

Gayunman, todo pa rin ang pag-aalaga sa kanya ni Julie. Kaya naman, sa kagustuhang makabawi, nagpasya si Romeo na maghanap ng iba’t ibang paraan para makatulong kay Julie, na kailangang makahinga mula sa stress ng trabaho.

Pero ngayong kailangan nga nilang asikasuhin ang kanilang mga trabaho, paano nila mareresolba ang iba pang mga isyu? Alamin Home Sweetie Home, na mapapanood na tuwing Sabado ng 6:00 p.m.. Huwag palampasin ang lahat ng iba pang mga Kapamilya comedy shows. Panoorin ang Banana Split: Extra Scoop tuwing Sabado pagkatapos ngMaalaala Mo Kaya, ang Banana Nite tuwing weekdays pagkatapos ng Bandila angLUV U tuwing Linggo pagkatapos ng ASAP 19 at ang Goin’ Bulilit tuwing Linggo pagkatapos ng TV Patrol Weekend.

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top