Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sino ang Kapamilya actor na nanliligaw kay Carla?

Sino ang Kapamilya actor na nanliligaw kay Carla?

 

ni Roldan Castro

AYAW banggitin ni Carla Abellana kung sino ang Kapamilya actor na gusto siyang diskartehan pero hindi pa siya ready na magmahal uli at wala siyang time. Nililigaw niya ang press kahit nakatrabaho niya sina Ejay Falcon, Jason Abalos, JC De Vera atbp..

Tinanong din siya kung ang ex-boyfriend ba niyang si Geoff Eigenmann ang pinatatamaan niya sa kanyang Instagram Account.

“Marami akong pinariringgan sa Instagram. Puwedeng ‘yung bashers, mga ne­gatrons, mga bitter. Puwede ring mga hopefully, future suitors! He! He! He! So, marami, marami akong pinariringgan sa Instagram. Puwede ring sarili ko, ‘di ba,” tugon niya.

Tiniyak din niya na parang wala na siyang patutsada lately kay Geoff. Hindi na raw niya ito iniisip. Basta ngayon puro positive sa buhay ang iniisip niya.

Boom!

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top