Wednesday , January 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jed Madela’s All Request sa Music Museum, ngayong gabi na!

Jed Madela’s All Request sa Music Museum, ngayong gabi na!

00 SHOWBIZ ms mGUSTONG maging intimate ang paghahandog ni Jed Madela ng magagandang musika sa kanyang fans at audience kaya sa Music Museum niya gagawin ang kanyang All Request concert, ngayong gabi, 9:00 p.m.

Aniya, “Gusto ko kasi intimate place kasi birthday concert siya. Gusto kasi ng management/producers na it’s a very casual concert and of course, gusto rin naming i-delete ‘yung thought na, ‘audience kayo, ako magpe-perform’

“Kapag PICC kasi or sa malalaking venue, it’s too far na makasalamuha ang audience, so ‘pag Music Museum, medyo candid, casual and on the spot interactive with my audience,” anang 2005 WCOPA grand champion performer of the world.

062314 JED MADELA
At maririnig sa All Request concert na ito ang lahat ng ini-request ng fans sa Facebook at may instant request pang magaganap habang on going na ang concert.

Kaya for sure, isang napakagandang gabi ito ng magagandang awitin at boses mula kay Jed. Kaya kitakits po tayo sa Music Museum.

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top