Wednesday , January 22 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ikaw Lamang, nangunguna pa rin kahit tinapatan ng bagong show

Ikaw Lamang, nangunguna pa rin kahit tinapatan ng bagong show

00 SHOWBIZ ms mNANANATILING number one program sa kanyang timeslot ang master serye ng ABS-CBN, ang Ikaw Lamang na pinagbibidahan nina Kim Chiu, Jake Cuenca, Julia Montes, at Coco Martin.

Sa tala ng Kantar Media noong June 30, base sa nationwide rating, mayroong 29.2 percent rating ang Ikaw Lamang samantalang mayroon lamang 15 percent audience share  ang nag-pilot na show ng GMA-7, ang My Destiny.

Kung ating matatandaan, simula nang umere ang  Ikaw Lamang noong March 10, isa na ito sa pinakapinanonood na palabas sa TV. Katunayan, rank third ito na may averaged national audience share na 30.5%.

030714 Ikaw Lamang cast
Noong July 1, may rating na 27.8 percent ang Ikaw Lamang samantalang 14.7 percent lang ang My Destiny.

At para ipagdiwang ang tagumpay ng programa, isang special fans day ang handog nina Coco at Julia sa  Sabado, July 5, sa Market! Market! mall sa Taguig. Makakasama nila si Juris, na siyang kumanta ng isang awitin sa  official soundtrack ng Ikaw Lamang. Kaya kitakits Kapamilya.

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top