Tuesday , October 16 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ejay falcon, ayaw ipabuking na naging mag-on sila ni Yam

Ejay falcon, ayaw ipabuking na naging mag-on sila ni Yam

063014 yam ejay

ni Reggee Bonoan

NAGULAT kami sa kuwentong itinago ni Ejay Falcon ang relasyon niya kay Yam Concepcion kaya iisa ang tanong ng mga katoto.

‘Hindi ba worth it si Yam, as if naman napaka-guwapo ni Ejay? Pasalamat nga siya pinatulan siya.’

Panahon daw ito ng seryeng Dugong Buhay na launching serye ng aktor kasama siArjo Atayde.

Bagamat inamin na rin daw ni Ejay ito sa Kris TV kamakailan pero matagal na silang hiwalay ni Yam.

At sa launching ng Pure Love, Pinoy adaptation ng Koreanovelang 49 Days ay nakuwento sa amin ni Yam na umabot sa limang buwan ang relasyon nila ni Ejay.

FIVE MONTHS NA MAG-ON

“Actually, Ejay and I dated for only five months and I don’t consider it as a boyfriend/girlfriend kasi sandali lang, pero inamin niya sa ‘Kris TV’, eh, hindi ko naman ide-deny na. Na-develop ako sa kanya.

“Tanda mo, Ms Reggee rati (tinatanong namin siya) na sabi niya, ‘o, ‘wag mo sasabihin na tayo’ kaya ko rin naman idinenay, ‘di ba tinanong n’yo ako? Kaya baka isipin n’yo na sinungaling ako, eh, kasi sabi niya (Ejay) ‘wag ko sabihin, kaya hindi ko talaga sinabi,” paliwanag ng dalaga.

Tanong din ng ibang katoto kay Yam ay kung hindi ba siya na-offend sa ginawa ni Ejay sa kanya?

READ MORE:  Daniel at Kathryn, sinuportahan ng fans kahit bumabagyo

“Siguro kasi nagsisimula palang kami (‘Dugong Buhay’), at saka default dapat na kapag artista ka, wala kang boyfriend/girlfriend hindi naman dapat ipagkait ‘yan, that’s the truth, right?

“You’re more exciting when you’re single, people really parang watch out kung sino ba ‘yan, especially,” paliwanag ng dalaga.

Isa ba ito sa dahilan kung bakit na-turn off si Yam sa aktor?

“Hindi naman siya nakaka turn-off,” aniya.

WALANG CLOSURE PERO ‘DI NA MAKIKIPAGBALIKAN

At walang closure ang relasyong Ejay at Yam, ”bigla na lang kasi siyang nawala, hindi na nagpakita (nag-text) at hindi ko alam kung bakit kaya siya (Ejay) dapat ang tanungin n’yo, hindi ako,” pag-amin pa ng dalaga.

Iisa ang tanong ng mga katoto, ano ba ang nagustuhan ni Yam kay Ejay, eh, hindi naman sila level pagdating sa utak?

“Na-develop ako sa show (‘Dugong Buhay’) at saka mabait naman siya (Ejay) as a person,” pagtatanggol ni Yam.

May galit ba si Yam kay Ejay, ”wala.”

At dahil walang closure, paano kung balikan ng aktor si Yam, ”ay, ‘wag na,” mabilis na reaksiyon ni Yam na ikinatawa ng lahat.

Paano pala kung magkita sina Yam at Ejay, ”aba, malay ko? Malalaman ko kapag nagkita kami,” nakangiting sagot ng dalaga.

READ MORE:  JM, isinasakripisyo ang buong panahon para sa pamilya

Diretsong tanong namin kay Yam, minahal ba niya si Ejay?

“Ano kasi, iba-iba naman, parang hindi, ay ano ba Ms. Regg,” nabiglang sagot sa amin.

So, hindi Pure Love ang relasyon nina Ejay at Yam?

“Ano sa tingin ninyo?  Nakikita naman ‘yan sa mata ko?” mabilis na sabi sa amin.

Ang paliwanag ni Yam, ”sa tingin ko, hindi siya ‘yung pag-ibig talaga na deep love, it’s a different kind of love, very shallow, parang puppy love ata, ha, ha, ha late bloomer.

“Iba-iba kasi ‘yung pag-ibig, ‘pag tinanong mo kasi ng mahal mo at minsan kapag you really love a person, ang sagot mo kaagad, ‘yes’, pero nakita n’yo, hindi ako sumagot, so ibig sabihin, hindi.  So it’s another realization, salamat sa inyo, sa pagtatanong n’yo.”

Paano kung kausapin ni Ejay si Yam kapag nagkita sila kasi nga wala namang closure.

“Understood na ‘yun na wala na at bakit mag-uusap para saan pa? Hindi naman kami magkakabalikan, wala na, understood na ‘yun.  Read between the lines,” katwiran ni Yam.

INIWAN SA ERE

So, iniwan ni Ejay si Yam sa ere, ”yeah, iniwan ako sa ere. Hindi ako galit, okay na ‘yun, old news na ‘yun. Let it go,” nakangiting sabi pa ng kontrabida ni Alex Gonzagasa Pure Love.

READ MORE:  Gloria Sevilla enjoy gumawa ng indie film

Sa kabilang banda, hindi kalakihan ang papel ni Yam sa Pure Love, pero challenging daw.

“Does it matter (malaking role)? Wala namang maliit na role sa malaking character? So kung ano ang ibinigay na character sa akin, okay lang at mas gusto ko ito (‘Pure Love’) kasi it’s very challenging.

FIRST TIME MAGING KONTRABIDA

“First time kong magiging kontrabida.  I wanna try something new, mas challenging.

“I’m very uncanny, very mysterious, you don’t know what I’m capable of doing, you will see a lot about the character may revelation,” kuwento ng dalaga sa papel niya.

At ang hinahangaan niyang kontrabida na pinagkukunan niya ng idea ay, ”gusto ko talaga si Angelica Panganiban noong nag-‘Ruby’ siya I like her, bida-kontrabida, ang galing niya roon.

“At ngayon, si Maricar Reyes (Poon), ang galing niya, sobra, at saka ang ganda niya, matalino pa,” say ni Yam.

Pawang baguhan naman ang cast ng Pure Love sa pangunguna ni Alex, Yam, Yen, Ana Luna, Arjo Atayde, Joseph Marco at sinusuportahan naman sila nina Matt Evans atAahron Villaflor mula sa direksiyon nina Veronica Velasco at Mikey del Rosario mula sa Star TV na mapapanood na sa Hulyo 7.

COMMENTS

About Reggee Bonoan

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved