Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Special treatment kay Deniece sa kulungan, itinanggi

Special treatment kay Deniece sa kulungan, itinanggi

ni Ed de leon

ANO ba naman iyan, bakit naman sa presidente agad sumulat si Deniece Cornejo para magpaliwanag na wala namang special treatment sa kanya sa kabila ng pagpayag ng mga opisyal na magkaroon siya ng birthday celebration sa kulungan sa Kampo Crame? Hindi ba dapat sa DOJ o sa korte muna siya nagpaliwanag?

At saka iyan naman, hindi sana iyan magiging problema kung hindi nga lang nagkaroon ng pictorial coverage pa ang kanyang birthday celebration. May usapan pang naipagluto niya mismo ng caldereta ang kanyang mga bisita, na con todo may mga balloon pa, at may pastor pang born again, bukod sa isa pang complainant laban kay Vhong Navarro na si Roxanne Cabanero. Ang dami pang lumabas na “birthday statement” niya. Kung sino man ang nagpakulo niyan at naniwalang magagawang PR material ang kanyang birthday, iyon ang may kasalanan.

Dapat kasi iyang pagpapa-interview at iyang mga pictorial, ilalagay din sa ayos.

Nakapagtataks nga kung bakit ang dami yata niyang pictures ngayon sa loob ng selda niya.

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top