Thursday , February 27 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Mystery girl ni Mark Bautista, kahawig ni Rachelle Ann Go

Mystery girl ni Mark Bautista, kahawig ni Rachelle Ann Go

ni Reggee Bonoan

NA-LOVE at first sight si Mark Bautista sa isang babaeng hindi niya kilala at napanood lang niya sa isang programa na ipinalabas sa NET 25, network na pag-aari ng Iglesia NI Cristo.

Ayon sa kuwento ni Mark sa presscon ng upcoming dinner show niya sa Crowne Plaza Manila Galleria Grand Ballroom sa Hunyo 21, hindi rin niya maintindihan kung bakit bigla niyang pinanood ang nasabing programa.

Nasa bahay lang daw siya at naghahanap ng mapapanood at bigla siyang napahinto sa paglilipat ng channels.

“Hindi ko maintindihan, kung bakit ako na-hook sa programang ‘yun nang makita ko siya (mystery girl), parang nagka-interes ako sa kanya, maganda siya para sa akin, parang there’s something na hindi ko alam kaya hinanap ko siya sa facebook, twitter and instagram.

“Wala siyang facebook, wala ring twitter, sa instagram, naka-private siya, so in-add ko. Tapos lagi kong tsine-tsek kung in-accept niya ako. Matagal pa bago niya ako in-accept kaya sabi ko sa sarili ko, ay wala ito, hindi niya type,” bungad kuwento ni Mark.

Pagkalipas ng ilang araw ay tinanggap na raw ng mystery girl ang instagram invitation niya, ”last week lang niya ako in-accept.

“Actually, in-invite ko siya kung puwede ko siyang makasama sa music video ko tapos kung puwede siyang manood sa ‘The Best of Me Concert’ ko sa June 21, dito sa Crowne Plaza Ballroom isama niya ang family niya, para makilala ko rin, eh, hindi naman ako sinagot,” say pa ni Mark.

Timing na may gagawing music video si Mark para sa awitin niyang One More Try at naghahanap siya ng leading lady na hindi kilala at naisip niyang bakit hindi na lang ang mystery girl kaya noong tanggapin ang instagram ay nagsabi raw siya na kung puwede siyang lumabas sa music video at nanghingi ng numero ang binatang singer na posibleng contact person ng girl.

“Nagulat ako kasi tumawa siya nang magpakilala ako at noong alamin ko kung siya ang manager, eh, siya na pala mismo ‘yung kausap ko, so personal number niya ‘yung ibinigay niya.

“Kung sakaling mapanood ninyo ‘yung music video ko na ‘One More Try’ at may girl doon, malamang siya ‘yun,” masayang sabi ni Mark.

Samantala, kaanib sa Iglesia ni Cristo ang babaeng gusto ni Mark kaya tinanong siya kung sakaling akayin siya para maging miyembro ng INC.

“Actually, narinig ko nga ‘yan, pero hindi ko pa iniisip, pero kung sakaling doon nga patungo, open naman ako. Siguro kailangan kong pag-aralan, kailangan kong mag-research,” katwiran ni Mark.

At sa one-on-one interview namin kay Mark tungkol sa mystery girl, ”gusto ko siyang makilala talaga, sana magkita kami, pero kung hindi, siguro hindi adya, pero kung makita, may ibig sabihin at handa naman ako kung anuman ‘yun.

“Base sa pagkita ko sa instagram niya, ano, parang member siya ng choir sa INC,” say ni Mark.

Sabi namin ‘mang-aawit’ ang girl at may katungkulan siya sa Iglesia kaya hindi mababago ni Mark ang paniniwala ng babaeng gusto niya.

“Ah talaga, pag ganoon ba, hindi siya ang sasama sa akin kung sakali?” balik-tanong sa amin ni Mark na sinagot naming hindi dahil  siya mismo ang kailangang magpa-convert sa pagka-Iglesia Ni Cristo kung tapat talaga ang hangarin niya sa girl.

Tinanong kami ni Mark tungkol sa isang younstar na miyembro rin ng INC na may rumored boyfriend ngayon at sinabi naming, ‘kaya nga hindi nila inaaming sila na kasi bawal makipagrelasyon sa hindi kaanib.’

Nakuha namin ang tiwala ni Mark at sinabi niya ang pangalan ng mystery girl na gusto niya at nangako kaming hindi ito isusulat o ire-reveal ang identity at ni-research nga namin.

In fairness, maganda ang girl, sosyal at may TVC siya na madalas ipalabas na base sa obserbasyon namin ay kahawig ni Rachelle Ann Go na unang niligawan ng binatang singer noong pareho pa silang contestant sa Search for A Star.

SA kabilang banda, si Mark ang nag-produce ng concert niya at hudyat na ba ito na malapit na rin siyang mag-asawa dahil 32 years old na siya?

“Actually, paghahanda lang, hindi naman kailangang mag-asawa na, kailangan din ng extrang kita kasi bihira rin ang shows ngayon, though may plano kami nina Christian at Erik (Santos) na mag-tour sa probinsiya at hopefully, madala namin sa ibang bansa.

“Plano ko ring mag-teleserye, pero kailangan kong mag-work shop muna kasi matagal na rin na hindi ako (umaarte), so kinalawang na,” natawang sabi ng singer.

Ang concert niyang The Best of Me na gagawin sa Hunyo 21 sa Crowne Plaza Manila Galleria ay sariling produced ni Mark kasama ang Pink Management and Productions with guests Sitti at Rochelle Pangilinan na ayon sa binata ay, ”sasayaw kami ni Rochelle rito at talagang kakaiba naman ito sa mga naging show ko na.”

Isa si Sarah Geronimo sa choice rin ni Mark na maging guest pero may taping daw ng The Voice Kids.

Ang The Sound of Love album ni Mark na naglalaman ng old songs tulad ng When I Fall In Love, Strangers In The Night, Kailangan Kita, All The way, Love Without Time,Bato sa Buhangin, Love Story, That’s All, Till, at What A Wonderful World mula sa Viva Records.

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top