Wednesday , January 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jeric, nalungkot nang paghiwalayin sila ni Thea

Jeric, nalungkot nang paghiwalayin sila ni Thea

ni JOHN FONTANILLA

VERY vocal si Jeric Gonzales sa pag-amin na nalungkot siya nang ipareha sa ibang aktor ang ka-loveteam na si Thea Tolentino para sa bagong Kapuso afternoon serye. Pero masaya naman siya para kay Thea dahil sunod-sunod ang mga proyektong dumarating sa kanya.

Ani Jeric, “Honestly speaking, at first nalungkot ako kasi kami talaga ‘yung magkapareha at nasanay na ako na siya ‘yung lagi kong kasama.

“Bukod sa nalungkot ang fans namin noong nalaman nila, wala kaming magagawa dahil management decision ‘yun, so susundin na lang namin.

“At saka pareho naming nasabi noon na willing naman kaming makipag-partner sa iba para mag-grow and ito na siguro ‘yung time.

“Pero alam naman namin na darating din ‘yung time na magkakasama kami ulit.”

Upgrade, dagdag sa lumalaking pamilya ng MyPhone!

HAPPY ang UPGRADE na binubuo nina KC Martinez, Rhem Enjavi, Ron Galang, Armond Bernas, Miggy San Pablo, Raymond Tay, at Mark Baracael.

Dahil bukod sa katatapos nilang pictorial sa Cardams para sa display ng mga Cardams Boutique, kinuha na rin sila ng My Phone bilang isa sa mga Ambassador nito.

Makakasama ng UpGrade bilang Ambassador ang Teen King na si Daniel Padilla at ang Teleserye King na si Coco Martin.

Bukod sa Cardams at My Phone, endorser din ang UPGRADE ng Unisilvertime, Rescuederm Skin Clinic, at  Royqueen Gadgets.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top