Wednesday , January 29 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / LJ, ‘di pa handang ma-in-love kay Dennis

LJ, ‘di pa handang ma-in-love kay Dennis

 ni Roldan Castro

NATATAWA na lang si LJ Reyes sa pagkaka-link niya kay Dennis Trillo. Magkasama lang sila sa isang Cinemalaya entry pero iniuugnay na sila sa isa’t isa.

Hindi naman itinatangggi ni LJ na posibleng ma-attract siya kay Dennis dahil guwapo, mabait, bongga ang personality pero wala pa sa isip niya na magkaroon ulit ng lovelife . Gusto niya pangmatagalang relasyon ‘pag nagmahal ulit.

Tungkol naman sa ama ng kanyang anak na si Paulo Avelino, okey daw sila. Civil naman sila at nakakapag-usap sila sa telepono para sa anak nila.

Wala rin siyang pakialam o selos na nararamdaman sa pagkaka-link ngayon ni Paulo kay KC Concepcion . Kung noon daw siguro na kahihiwalay lang nila ni Paulo nangyari ‘yan, baka nga mawindang siya.

Ipinararamdam naman daw ni Paulo na mahal na mahal niya ang anak niya pero mukhang busy daw ngayon ang actor.

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top