Friday , April 19 2024

Ano nga ba ang tunay na nangyari sa bugbugan issue na kinasangkutan ni Saab Magalona?

ni Ronnie Carrasco III

KINAKIKITAANng ilang loopholes ang kasong pambubugbog na kinasangkutan ni Saab Magalona last May 31. Bukod kasi sa iba-ibang detalyeng naiulat, the case—which is now being taken care of by her lawyers—is like a jigsaw puzzle with several pieces of it missing.

May ilang tanong lang kami batay sa binalangkas na kuwento ng Startalk nitong Sabado:

1. Naganap ang insidente noong May 31, bakit nai-post lang ‘yon ni Saab nitong June 3, three days after it took place?

2. Kung si Saab ang tatanungin, nowhere in her post was the cause of the brawl or altercation indicated. Maging ang barangay secretary ng Kapitolyo, Pasig City ay tila nagtataka sa kawalan ng malinaw na dahilan tungkol sa pinag-ugatan ng gulo, bakit?

3. Given the sketchy report, may mas malalim kayang dahilan kung bakit tila sadyang hindi ipinagbigay-alam ni Saab ang totoong nangyari?

4. Ang nagpa-blotter sa barangay ay ang kanyang nobyong musikerong si Jim Bacarro (who will soon be Saab’s husband), bakit hindi si Saab na siya namang napuruhan sa tatlong suntok ng suspek na kinilalang si Michael Gaugler?

5. Nag-promote nga rin pala ang kapatid ni Saab na si Elmo Magalona sa May 31 episode ngStartalk. Ala una y medya ng Sabado nangyari ang bugbugan, pero hapon na that day ay hindi man lang ba ‘yon nabalitaan ni Elmo?

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *