Friday , April 19 2024

Matteo at Sarah, ine-enjoy ang isa’t isa

ni ROLDAN CASTRO

AYAW pa rin umamin ni Matteo Guidicelli sa real score sa kanila ni  Sarah Geronimo.

“Ewan ko kung tamang panahon ba but wala naman akong idine-deny. Wala naman akong sinabi. Basta we are just enjoying every moment and just doing our own thing,” sey ni Mat sa isang panayam.

“I think it’s time for Sarah to enjoy her life more. She’s already 25 and she’s starting to enjoy everything much more. I’m happy for that,” dagdag pa niya.

Ipinakilala na ni Mat si Sarah sa mommy niya. Okey naman daw lahat.

DIREK LOUIE, INUULAN NG BLESSINGS

MASASABING taon ni Direk Louie Ignacio ang 2014 dahil sobrang dami niyang proyekto. Mayroon siyang Cinemalaya entry na Asintado with Aiko Melendez, Jake Vargas, Gabby Eigenmann etc. tapos may morning show siya na Basta Every Day Happy with Donita Rose, Gladys Reyes, Alessandra De Rossi, at Chef Boy Logro. Mayroon din siyang children show na Tropang Pochi.

“Umuulan ng blessings. Mayroon pang isang papasok na show pero hindi pa puwedeng sabihin,” bungad niya sa amin.

“Sabi ko nga, uy totoo nga na susuwertehin ako ngayong 2014 kasi bumalik ‘yung mga gusto ko idireheng bagay sa akin,” dagag pa ni Direk Louie.

Wala ba siyang sakit ng ulo sa pagiging director at producer ng Asintado?

“Nag-i-enjoy ako pero of course problema ang pera…pero habang nakikita mo ‘yung produkto ng sinu-shoot mo, parang ginaganahan ka pa lalo. Hindi mo iniisip ‘yung gastos kasi maganda ‘yung material,” bulalas pa niya.

Pinupuri din ni Direk ang kanyang artista na si Aiko.

“Wala siyang reklamo. Indie budget ito pero wala siyang reklamo.   Tapos, ibinigay niya ang the best niya. Basta ang galing-galing niya, si Jake Vargas, magaling ‘yung buong cast, kompleto, happy ako,” aniya pa.

Boom Patok!

About Roldan Castro

Check Also

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Atasha Muhlach Daniel Padilla

Daniel at Atasha iniuugnay ng fans

REALITY BITESni Dominic Rea KINIKILIG ako actually sa naglalabasang cropped photos nina Daniel at Atasha Muhlach.  …

Kathryn Bernardo Jericho Rosales Alden Richards

Kathryn pinag-aagawan daw nina Alden at Echo

REALITY BITESni Dominic Rea PAGKARAANG ianunsiyo ni Kathryn Bernardo na she’s already healed after her break-up with Daniel …

Blind Item, Mystery Girl, Actress

Female starlet ‘di makapagpakita kay DOM, ‘tinamaan’ sa foreigner na sinamahan

ni Ed de Leon AY naku, mukhang natauhan na rin ang isang DOM na pinaglololoko lang siya …

Ai Ai de las Alas Gerald Sibayan

Ai Ai sinuwerte kay Gerald, good provider na  pinakamatagal pang nakarelasyon

HATAWANni Ed de Leon ABA at tumagal na pala ng 10 taon ang pagsasama nina Ai …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *