Thursday , April 25 2024

Prangkisa ng Alaska bibilhin ng NLEX?

NAPAKATAGAL nang hindi nagkakaroon ng 50-point blowout sa Philippine Basketball Association at parang hindi na magkakaroon nito sa kasalukuyang panahon kung kailan halos pantay-pantay na ang lakas ng mga koponan.

At kung sakali mang magkaroon ng tambakang matindi sa kasalukuyan, walang mag-aakalang ang Alaska Milk ang siyang matatambakan.

Aba’y pinaglaruan nang husto ng Rain Or Shine ang Alaska Milk noong Miyerkoles. Ang winning margin ay 51 puntos. Ang final score ay 123-72!

Susmaryosep!

Iyon ang ikaapat na pinakamasagwang laro sa PBA. Ang biggest winning margin ay 55 puntos. Siguro kung nagkaroon pa ng mga dalawang minuto ay na-break pa ng Rain or Shine iyon!

Aba’y nagtataka ang karamihan kung bakit ganito ang naging pustura ng Aces. E, alam naman nating matindi ang kanilang winning tradition.

Ano nga ba ang dahilan?

Well, mayroon kasing lumabas na balitang ipagbibili na daw ang prangkisa ng Alaska Milk at nakaabang ang NLEX. Kaya naman daw hindi bumibili ng bagong prangkisa ang NLEX na isa sa tatlong koponang tinanggap ng PBA.

Siyempre, mas okay na bumili ng existing team kaysa magbuo ng bago at panay baguhan.

Ang tanong ay kung totoo ang balita?

Hindi masagot ni coach Alex Compton kung totoo o hindi.

Aniya, noong Myerkoles din daw niya narinig ang tsismis na iyon.

Pero sa totoo lang, noong Lunes pa nga kumalat iyon matapos na magkampeon ang NLEX sa D-League.

At hindi ba’t kung may usok ay may apoy?

Lulugu-lugo nga ba ang Aces dahil sa balitang iyon?

Sabrina Pascua

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *