Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lance, mas bumata ang hitsura matapos mabagsakan ng barbell

Lance, mas bumata ang hitsura matapos mabagsakan ng barbell

ni Pilar mateo

“BACK from the dead!” ang sinasabi  ni Lance Raymundo sa bago niyang pananaw sa buhay ng kamakailan eh, mabagsakan ang kanyang mukha ng 95 pounds na barbell sa isang gym na taon na rin daw ang binibilang sa pagpapaganda niya ng katawan at pagkakaroon ng healthy lifestyle.

Marami ang nagulat sa bagong mukha ni Lance. Bumata nga raw ito kaya all praises din ang mga tao kay Dr. Porquez.

“Ang sinabi ko na lang sa sarili ko after na mangyari ang lahat, I must have done something good in my life na I was still given another chance by the Lord na mabuhay para maging inspirasyon sa mga tao. Kasi, aksidente ang nangyari sa akin. Hindi naman sinadya ‘yun ng trainor ko. Kaya nga, sabi ko, I will not file charges. Nagtatrabaho rin lang siya and that is the only job he has. May pamilyang umaasa. So, siguro, ‘yun din ang isang lesson na gustong ipamulat sa akin ni Lord pagdating din sa pagpapatawad at pagbibigay ng isa pang chance.”

A miracle took place. Dahil sabi ni Lance, he was hearing voices na noong una ayaw niya paniwalaan dahil sinasabihan siya na tumayo na on the 7thday after his surgery. At nang tumayo siya, there in his comforter, may nakita sila ng Mom niya na mukha ni Lord at katabi nito ang isang babae, na kamukha naman ni Mother Ignacio na devotee ang kanyang ina. Kinunan nila ito ng larawan.

“For me, that was such a huge message. Of faith and bravery.”

Ang laki rin ng pasalamat ni Lance sa kanyang pamilya sa suporta nila na hindi bumigay at nagparamdam ng kahit na ano pang klase ng kahinaan sa panahong inakala nilang lilisanin na niya ang mga ito.

Lance also clarified one thing. Hindi siya magba-barbell dahil mga dumb bell ang ginagamit niya for his plies. Pero roon nga siya nahiga where the barbell was at natamaan ito ng kanyang trainor na kumuha ng dumb bells he would use.

BEA AT PAULO, MARAMING SENSUAL NA TAGPO SA SANA BUKAS PA ANG KAHAPON NA AABANGAN

NGAYON, naintindihang mabuti ng mga beki what being sensual is all about. Nang mapanood ang trailer ng Sana Bukas pa ang Kahapon na mapapanood na soon saABS-CBN na hatid ng Dreamscape Entertainment na magtatampok kina Bea Alonzo, Albert Martinez, at Paulo Avelino.

Sa eksena pa lang nina Bea at Paulo as Rose and Patrick nanaghahanap ang heiress na si Bea ng magiging chocolatier nila, at nahuli niya ito na naghahalo ng tsokolate at nabuking naman siya na nanonood sa ginagawa nito—nang iumang na ni Paulo ang tsokolate sa labi ni Bea at sabihan siya na kainin niya ang tsokolate nito—nagtilian na ang mga beki, pati na kababaihang press.

Dalang-dala ang dalawa sa eksena nila.

At ipinagpapasalamat nila ang resultang ‘yun sa sensuality workshop nila kay direkLaurice Guillen. Dahil ‘yun pala ang unang eksenang kinunan nina direk Trina Dayrit atJerome Pobocan sa nasabing teleserye.

Aminado ang dalawa na nabawasan sila ng pressure.

Ngayon, mag-aabang daw ng mas marami pang sensual scenes sa dalawang karakter ang mga manonood.

Puwera pa ang ikalawang katauhan ni Bea as Emmanuelle. At ang ikatlo pang susulpot sa kalagitnaan ng istorya.

Bagong tututukan kaya ‘wag bibitaw!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top