Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Kapuso young actor Derrick Monsterio charotero!

Kapuso young actor Derrick Monsterio charotero!

ni Peter Ledesma

HANGGANG ngayon pala ay hindi pa rin nagbabago itong si Derrick Monasterio sa kanyang pagiging isang “charotero.”

Kung noon ang drama ng Fil-Am young actor, ready siyang ibigay sa mayamang bading ang kanyang katawan kapalit ng branded na laptop. Ngayon, may press release naman daw na nakahanda siyang mag-frontal sa isang sexy movie, basta’t si Solenn Heusaff ang kanyang magiging leading lady. Sinabi ito ng Kapuso young actor sa ilang entertainment press na dumalo sa presscon nila recently lang para sa teleserye sa GMA with Barbie Forteza and Thea Tolentino, na ‘di na natin kailangan pang ibigay ang title dahil siguradong another flop naman ang project sa ratings! Going back to Derrick, obyus naman na kaya siya daring kung magpa-interview ay para mapansin siya ng press. Pero ang totoo ay wala naman sa loob niya ang kanyang mga sinasabi. Nasaan na ‘yung OPM niya na magpapatikim siya sa gay, regalohan lang siya ng laptop.

At sa panahong ito na super higpit ang MTRCB pwede ba niyang ibuyangyang ang sabi’y daks niyang kanotahan sa big screen at sa palagay naman kaya niya ay papayag si Solenn na gumawa nang ganito ka-hot at daring na movie.

Mabuti pa magtikol ka na lang boy, at tiyak na masasarapan ka pa gyud!

BAGONG TELESERYE NI MARICEL SORIANO, KNOCK OUT SA “THE LEGAL WIFE”

Sa puso ni Adrian (Jericho Rosales) ni katiting na sandali ay hindi nawawala sa puso niya ang misis at ina ng mga anak na si Monica (Angel Locsin). Pero ganito rin ba ang nararamdaman ngayon ni Monica sa itinuturing nang ex na si Adrian na nagkasala nang matindi nang matukso at maanakan ang besfriend niyang si Nicole?

At si Nicole naman hanggang kailan niya gagawin ang pagpapaka-martir sa minamahal at inaasam na maging kanya na si Adrian na ama ng kanyang anak? Tutok lang dahil sa huling dalawang linggo ng “The Legal Wife” tiyak na mas mawiwindang kayo sa mapapanood ninyong ayaw paawat at walang tigil na confrontation scenes sa pagitan ng legal wife na si Monica at nagpe-pretend rin na totoong asawa na si Nicole. Si Max (JC de Vera) na matindi ang pagmamahal kay Monica at sa mga anak na sina Bunjoy (Louise Abuel) at Martina kanino siya mapupunta. Minsan nang tinanggihan ni Monica ang alok niyang pag-ibig pero hanggang ngayon ay hindi pa rin sumusuko ang binata na dating na-involved rin kay Nicole. Sa pagtatapos ng nasabing Hottest Drama TV Series, mareresolbahan pa ba ang problema sa pagitan nina Monica at Adrian lalo pa’t seryoso na ang una sa annullment na kanyang isinampa sa lalaking pinakasalan.

Abangan sa “The Legal Wife” kung mabubuo pang muli ang pamilyang winasak ng homewrecker na si Nicole. By the way masayang-masaya ngayon ang buong cast sa pangunguna nina Angel, Jericho at Maja kasama ng kanilang mga director na sina Rory Quintos at Dado C. Lumibao at ang Star Creatives Team dahil last June 2, ayon sa datos ng Kantar Media ay knock out ng The Legal Wife sa rating na 26.7% ang kaka-ere pa lang na teleserye ni Ms. Maricel Soriano sa GMA 7 na “Ang Dalawang Mrs. Real” na nakakuha lamang ng super babang rating na 11.2%. Asahang sa huling linggo ng serye ay mas lalo pang tataas ito, kaya paano na ang Diamond Star.

Kawawa naman gyud!

PINOY HENYO “DABARKADS EDITION” PATOK SA MAGKAKAIBIGAN

Pila-pilang magkakabarkada ang nakikita araw-araw ngayon sa Broadway Studio ng Eat Bulaga. Patok kasi ngayon sa magkakaibigan ang Dabarkads Edition ng Pinoy Henyo kaya naman marami ang interesado na gustong sumali rito na dumaraan muna sa audition bago maging official na kahalok. Mas riot, ang nasabing edition dahil sa grupo ng mga contestant na may limang miyembro tatlo ang bubunutin na maglalaro na makakalaban ng dalawa pang grupo. Bawat isa sa grupo ay naka-stand by na sa Aquarium Pool at para ma-save na hindi malublob sa nasabing pool kailangan perfect na masagot ng dalawang kasamahang contestant ang mga tanong sa pinahuhulaan ni Bossing Vic Sotto at Master Henyo Tito Joey de Leon. Malaking cash prize ang puwedeng mapanalunan ng sinomang tatanghaling daily winner lalo na kapag nakuha nila ang Jackpot prize. Siyempre madadagdagan pa ito sa weekly finals at grand finals na tumataginting na P200K ang premyo. Ang Pinoy Henyo Dabarkads Edition ay hatid ng Bioderm Soap, Alaska Chocolate Milk at ng Heaven Baby Products.

Sa kanilang kategorya ni Bossing Vic Sotto at Henyo Master na si Tito Joey de Leon ay diretso itong ilulublob sa Aquarium pool.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top