Saturday , April 20 2024

Bamboo, walang karapatang bastusin si Nora

ni Alex Brosas

SINO ba itong Bamboo na ito para bastusin niya si Nora Aunor?

Nabasa namin ang article ng isang katoto and we felt he insulted Ate Guy. Nagpakilala kasi si Ate Guy sa rock singer at sinabing hinahangaan niya ito. Deadma lang daw ang Bamboo sabay layas.

Kung true ito, sino ka Bamboo para mag-behave  ng ganyan? Wala ka namang enormous achievement para magkaroon ng ganyang attitude, ‘no! Only this generation  of youth know you. Kung hindi ka pa kinuhang coach sa isang reality show ng Dos ay isa ka nang has-been, ‘no!

Ikaw ba, Bamboo, mano-nominate as National Artist in the future? Hindi mangyayari ‘yan, ‘no. Not in your lifetime.

MOVIE QUEEN OF THE NEW GENERATION TITLE NI BEA, KARAPAT-DAPAT NGA BA?

ANG daming nag-react sa Movie Queen of the New Generation title na ibinigay kay Bea Alonzo.

Hindi raw bagay sa kanya ang title, mas marami pang deserving na celebrity kaysa kanya ng titulo.

Ang contention ng ilan, kumikita lang ang  movies niya kapag kasama siJohn Lloyd Cruz. Hindi naman siya sikat na sikat ngayon, mas popular pa nga sa kanya si Kathryn Bernardo na lahat ng gawin ay big hit.

Da who kaya ang nagbigay ng Movie Queen of her Generation title kay Bea? Aba, ginawa niyang controversial ang dalaga, ha.

“Marami ngang queen pero dapat iisa lang ang movie queen and i think Bea is not deserving for that title oo naging BOQ sya dahil kay JLC wala naman syang BOQ without JLC. at wala siyang major acting awards to label her as Movie Queen paano ka naman naging movie queen kung ‘di ka man lang na-recognize sa galing mo sa movie, dahil lang sa kumita? bakit dahil lang ba sa kanya kaya kumita,” tili ng isang fan.

Sinagot naman ito ng isang avid Bea fan and said, ”Movie queen of the new generation title for bea alonzo, why not? Unang-una na marami na siyang nagawang hit movies, kahit 1st, 2nd, 3rd place pa ‘yan sa box office basta hit pa rin at hindi nawawalan ng offer year after year, at na-acknowledge ang acting talent n’ya by consistent nominations. Actually, comparable ang movie career ni bea sa mga movie queen of the 80s and 90s like vilma, sharon and lorna, pero sa image parang lorna tolentino talaga ang dating n’ya, or pwede rin dawn zulueta, mukhang magtatagal talaga siya like them na may pinaghalong beauty and talent.”

About hataw tabloid

Check Also

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Glaiza de Castro David Rainey

Glaiza naka-iskedyul pagbuo ng baby

RATED Rni Rommel Gonzales SOBRANG busy si Glaiza de Castro, paano ang pagbuo nila ng pamilya ng …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *