Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ms. Susan, fan na ni Bea noon pa man; lahat ng pelikula at teleserye, pinanonood (Sana Bukas Pa Ang Kahapon casts at director, pressured dahil sa The Legal Wife)

Ms. Susan, fan na ni Bea noon pa man; lahat ng pelikula at teleserye, pinanonood (Sana Bukas Pa Ang Kahapon casts at director, pressured dahil sa The Legal Wife)

ni Reggee Bonoan

HINDI itinago ng buong cast ng Sana Bukas pa ang Kahapon na pressured sila sa papalitan nilang programa sa ABS-CBN, ang parating nagti-trending worldwide na The Legal Wife nina Angel Locsin, Maja Salvador, at Jericho Rosales.

Nakatsikahan din namin ang taga-Uniliver noong Linggo na ginanap ang final exam ng karate class ng anak naming si Patchot sa compound nila na talagang malakas ang programang The Legal Wife base sa survey nila.

Kaya sa grand presscon ng Sana Bukas Pa Ang Kahapon noong Martes ng gabi sa La Chandelle Events Place ay inamin ng lead actress na si Bea Alonzo na, “sa totoo lang, ako kinakabahan talaga. Hindi ako magsisinungaling talagang napi-pressure ako.”

Ang magandang trailer daw ng SBPAK ang nagpapalakas loob sa kanya. “Pero sa mga trailer na napapanood ko, nagiging proud din ako. Parang nagkakaroon ako ng confidence na baka naman sakaling panoorin ng tao. At para sa akin kasi ginawa namin ang best naming lahat. So bahala na si Lord, ipagpapasa-Diyos na lang namin,” sabi ng aktres.

Maging ang dalawang direktor na sina Trina Dayrit at Jerome Pobocan ay umamin din. “Siyempre I think may (pressure) dahil malakas ang show na papalitan namin pero ako naman kasi I’m confident with the show, maganda ang proyekto, maganda ang materyal, magaling ang mga artista, maganda ang script. I’m proud to say na maganda ang palabas na ito.”

“At sa palagay ko naman with the hits May Bukas Pa at saka ang iba pa nating ginagawa baka, sa palagay ko, ay maghi-hit siya,”say ni direk Jerome.

Ayon naman kay direk Trina, “I feel the pressure but again, like director Jerome, confident ako sa Dreamscape, confident ako sa creative team, confident ako sa staff at confident na confident ako sa staff and we have a very good script.

“I don’t know if this is any indication but sa rami ng soap na ginagawa ko sa ABS-CBN, this is the first time na nakaramdam ako ng kabog ng dibdib when I first saw our trailer and it’s a very positive kabog.”

Ang pahayag naman ni Ms. Susan Roces, “lahat kami, nananalangin, lahat kami ay confident na maganda itong proyekto. Nais kong ibahagi sa inyo na ang mga teleserye ng ABS-CBN ay hindi lamang pinagpaplanuhan para sa local viewers. Pinagpaplanuhan po ito at masusing pinag-aaralan para sa foreign market.”

Samantala, inamin ni Ms, Susan na fan daw siya ni Bea noon pa na lahat ng projects ng aktres ay pinapanood niya, pelikula man o serye. “Isang karangalan na makasama ko si Bea sa project na ito. Matagal kong sinubaybayan ang kanyang pagsikat. Isa ako sa fans ni Bea sa kanyang mga teleserye noon at sa mga pelikula niya. Isang karangalan na makasama siya sa isang proyekto,” kuwento ni Ms Susan.

Pati ang pakikipag-kissing scene ni Bea sa pelikula ay napansin ni Ms. Susan, “siya ang pinakamaganda at pinakamalinis at pinakadisenteng mag-kissing scene.”

Hindi lang pala si Ms Susan ang humahanga kay Bea, maging ang mataray na si Dina Bonnevie ay umaming fan din ng dalaga at nagsimula raw siyang humanga sa aktres sa seryeng Kay Tagal ng Sandali na bagets pa at nakasalamin pa noon. At simula raw noon ay hindi na nag-miss si Dina na panoorin ang bawat project ni Bea, katunayan ang huli niyang pinanood na pelikula ng aktres ay ang She’s The One.

Kaya nang makita raw ni Dina si Bea sa set ay, “first time I saw her in the set, sabi ko, ‘Bea, I’m your fan, lahat ng movies mo, napanood ko and I’m so happy to work with you.”

Hindi lang pala pakikipag-kissing scene ang nagustuhan kay Bea, pati ang pag-iyak niya. “Ako kasi, ‘pag umiiyak sa screen, ang pangit ko. Siya, ‘pag umiiyak siya sa screen, glam pa rin.

“At saka totoo ‘yun, lahat ng pelikulang napanood ko sa kanya, kahit na sobrang intense ng love scene niya, hindi siya baboy panoorin. Very decent,” paglalarawan ni Dina.

Kaya nang hingan naman ng reaksiyon si Bea tungkol sa mga papuring ito sa kanya, “maraming-maraming salamat po. And siyempre, nagpapasalamat din ako sa ABS-CBN at sa Star Cinema siguro dahil na rin sa mga role at pelikula at projects na binibigay nila. Sila talaga ‘yun. I’m very blessed. Thank you po.”

Mapapanood na ngayong buwan ang Sana Bukas Pa Ang Kahapon kasama sina Albert Martinez, Maricar Reyes, Tonton Gutierrez, Anita Linda at Mr. Eddie Garcia with Miguel Vergara, Ben Isaac, Malou Crisologo, Nikki Valdez, Francis Magundayao, Michelle Vito, Bembol Rocco, Chinggoy Alonzo, Christian Vasquez, at Lara Quigaman.

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top