Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coney, affected ‘pag may ibang babae si Vic

Coney, affected ‘pag may ibang babae si Vic

ni Ronnie Carrasco III

TAONG 1990 noong maging isang ganap na Kristiyano si Coney Reyes after she joined the Victory Christian Fellowship.

That time ay karelasyon na niya si Vic Sotto, their hosting partnership in Eat Bulagablossomed into a romantic liaison that ended, however, two years later.

Public knowledge na si Coney ang nakipagkalas kay Vic dahil aniya’y nais na niyang humulagpos sa isang makasalanang relasyon (hindi sila kasal, pero nagkaanak sila). Painful as her decision was, to this day ay wala raw pinagsisisihan ang TV host-actress sa kanyang ginawa.

It’s been more than two decades na ang yugtong ‘yon, pero aminado si Coney na nananatili pa rin sa kanyang puso ang ama ni Vico (who, by the way is a law graduate and is employed as Quezon City Councilor Anjo Yllana’s legal consultant).

Sa tanong kung may kurot din bang hatid sa tuwing nauugnay si Vic sa ibang mga babae, walang kagatol-gatol na, ”Oo naman!” ang sagot ni Coney. But she’s quick to qualify her reply, ”Kapag alam ko na ‘yung nali-link sa kanyang babae, eh, hindi okey, apektado ako in the sense that our son gets affected. At siyempre, kapag apektado ang anak ko, I’m just as affected as a mother.”

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top