Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Be Careful With My Heart, ngaragan pa rin ang taping

Be Careful With My Heart, ngaragan pa rin ang taping

ni Dominic Rea

MASAYANG ibinalita sa akin ni kaibigang Jodi Sta. Maria na puspusan pa rin ang taping nila ngayon para sa phenomenal seryeng Be Careful With My Heart na napapanood tuwing 11:45 a.m. sa Kapamilya Network.

Ayon kay Jodi, medyo ngaragan talaga ang taping nila ayon na rin sa papalaking kuwento ng serye na buong mundo ang nakatutok gayundin ang pagtutok ng aktres sa kanyang ilang negosyo. Anytime yata ay uumpisahan na rin ang shooting ng kanyang pelikulang Maria Leonora Teresa ng Star Cinema. Pero bago ‘yun ay puspusan rin pala ang paghahanda ng buong BCWMH Team para sa nalalapit nilang concert sa Araneta. At take note, ngayong linggo ay ika-100 episode na po ng BCWMH guys kaya naman hindi maiwasang magpasalamat ni Jodi sa lahat na patuloy na sumusuporta sa serye!

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top