Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Bela, gumawa ng series sa Singapore na mala-CSI

Bela, gumawa ng series sa Singapore na mala-CSI

ni Roldan Castro

ALMOST one year nang walang regular show si Bela Padilla sa GMA pero hindi naman daw siya nagtatampo.

“Hindi naman kasi may ginawa akong movie ‘di ba, ‘yung ‘10000 Hours’ so, actually hindi rin ako nabakante kung iisipin ko kaya lang nakaka-miss din lumabas sa TV.

“So iyon lang pero marami rin ako na-try na iba like kung may soap ako, hindi ko nagawa ‘yung ‘10000 Hours’, or kung may soap ako hindi ko nagawa ‘yung show sa Singapore.

“New experience kasi lahat eh, kaya tinanggap ko parang baka hindi ko makuha ulit, baka hindi ako mabigyan ng ganoong chance ulit.”

Nakasama si Bela sa isang TV series sa Singapore na may pamagat na Point of Entry.

“Soap na 14 episodes, finished na, tapos na siya noong end of March, nag-umpisa siya Christmas. So at least na-try ko rin ‘yun.”

Puro Singaporean stars ang kasama niya sa naturang series na English ang salita na mala-CSI raw ang tema.

Bongga!

About Roldan Castro

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top