Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aga & Charlene, hiwalay na nga ba?

Aga & Charlene, hiwalay na nga ba?

ni Alex Brosas

SINA Aga Muhlach at Charlene Gonzales ba ang natsitsismis na power couple na hiwalay na.

Ang chika ay naimbiyerna si Charlene when she discovered na mayroon umanong bagong babae sa buhay ni Aga na non-showbiz. When confronted, umamin naman daw itong si Aga na ikinagalit nang husto ni Charlene who  decided to separate daw with Aga.

But realizing that it was impossible because they still have endorsements as a family, nakipagkasundo na lang daw itong si Charlene kay Aga na magsama sila sa iisang bubong pero kailangang magkahiwalay ng kuwarto.

But one website said na not true naman ang rumored separation ng couple dahil a week ago ay nag-post pa si Charlene ng pasasalamat sa ilang tao for posting a collage of photos of her and Aga bilang gift sa kanila dahil they were celebrating their 13th anniversary as a couple.

Ano ba ang true, hiwalay na nga ba kayo, Aga and Charlene? Pakisagot nga!

KC, ‘DI TANGA PARA MAGPABUNTIS

NATSISMIS na buntis si KC Concepcion and she felt  had to address the rumors.

Kaagad na nag-post si KC ng kanyang photo sa Instagram account habang nagwo-workout, parang nagsasabing ito ba ang buntis?

”What is this rumor that I am ‘pregnant’??? I AM NOT PREGNANT. I have NEVER BEEN PREGNANT in my whole entire life. Someone tried to spread this rumor since I left for Paris at 18 & wow now it’s back? Please. When the time comes that I will be blessed with a beautiful baby I will be the first one to proudly announce it to my family, friends, supporters, loved ones. Although I don’t want to be rushed… I honestly can’t wait for that day,” caption ni KC sa kanyang photo.

Hindi naman tanga si KC para magpabuntis lang basta-basta kay Paulo Avelino, ‘no! Paano kung basta na lang siya iwanan ni Paulo kapag nabuntis siya?

ZANJOE, NAKIPAGLAMPUNGAN KAY POKWANG

NAKIPAGLAMPUNGAN si Zanjoe Marudo kay Pokwang sa isang pelikula. Inamin ng hunk na comfortable siya sa mga eksena niya with the comedienne.

“Si Mamang napakahalaga, eh, kaya mahal na mahal siya ng katrabaho niya. ‘Yung mga nakikita n’yong mga eksena sa pellikula ay kailangang gawin. Kasi kapag iba ‘yung gumawa ay hindi maganda, eh. Hindi naman namin kailangang magpatawa talaga. Siguro ‘yung pagkakasulat ay maganda,” Zanjoe explained.

“Si Mamang, nirerespeto ng lahat. Ipinagluluto pa kami palagi niyan. Masasabi ko na napakabuting tao ni Mamang kaya siya ang sinasabing ‘Pambansang OFW,” he added.

Reacting on Zanjoe’s comment, Pokwang said, ”Ano pa ang sasabihin ko, nirespeto na ako ngayon.”

Nasubaybayan pala ni Pokwang ang growth ni Zanoe bilang actor.

“Kasi, paglabas pa lang niya ng ‘PBB’ magkasama na kami so nakita ko ‘yung pag-grow niya bilang artista. Nakita ko ‘yung ugali niya, ‘yung kabutihan niya. Kumbaga ano lang ito, kung may trabaho kami ay enjoy lang kami sa ginagawa namin. Ganoon lang kami talaga. ‘Pag sigaw ni direk ng cut chikahan, tawan kami off cam,”  Pokwang said, noting that ”since ‘Aalog-Alog’ pa lang ay nakita ko na si Zanjoe kung paano kasarap katrabaho.”

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top