Thursday , April 18 2024

Sa kapirasong karne kelot utas kay bayaw

HINDI na umabot nang buhay sa pagamutan ang isang lalaki makaraan pagsasaksain ng kanyang bayaw dahil sa inumit na kapirasong karne ng baboy sa Marilao, Bulacan kamakalawa.

Kinilala ng pulisya ang biktimang si Nilo Geneston, may sapat na gulang, habang agad nadakip ang suspek na si Dominador Plaza, 49, kapwa residente ng Evangelista Compound sa Brgy. Sta. Rosa, sa bayan ng Marilao, Bulacan.

Sa ulat na isinumite sa tanggapan ni Supt. Marcos Rivero, hepe ng pulisya, magkatuwang na hinuhugasan ng magbayaw ang ilang parte ng baboy para pulutanin sa kanilang  inoman nang mag-uwi ng kapiraso nito ang biktima.

Hindi ito nagustuhan ng suspek kaya’t sinita ang biktima na naging dahilan ng kanilang pagtatalo.

Nagpapahinga na ang biktima sa kanilang bahay nang pasukin ng suspek saka pinagsasaksak.

(DAISY MEDINA/BARBI CAPIRAL)

About hataw tabloid

Check Also

Bong Revilla Jr Maynilad sinkhole

Maynilad panagutin sa sinkhole — Revilla

“DAPAT managot ang Maynilad at kanilang mga kontraktor.”                Ito ang ipinahayag ni Sen. Ramon …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

shabu drug arrest

Sa Caloocan
PINTOR HULI SA P.1-M SHABU

IMBES pagpipinta ng bahay, pumasok sa ‘drug trade’ ang isang house painter pero ‘minalas’ na …

Department of Agriculture

Para sa seguridad sa pagkain
PH GOV’T DAPAT MAGPONDO SA MODERNISASYON NG AGRI

HINIMOK ni Senador Win Gatchalian ang gobyerno na mamuhunan sa modernisasyon ng agrikultura at pagpapaunlad …

marijuana

P.6-M tsongki nasamsam sa Bulacan

TINATAYANG aabot sa P602,400 halaga ng high-grade marijuana o tsongki at cannabis oil ang nasamsam …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *