Tuesday , October 23 2018
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Maegan, dapat munang tumahimik

Maegan, dapat munang tumahimik

ni Ed de Leon

PALAGAY namin, dapat na munang tumahimik si Maegan Aguilar. Tutal nasabi na niya kung ano ang gusto niyang sabihin. May mga nasabi pa nga siyang lumampas na sa limits eh, na talagang nakasira na nang husto sa image ng tatay niyang si Freddie Aguilar. Isipin ninyo, ang image ni Freddie ay isang artistang makabayan, na halos iniiyakan ng mga tao kung kumakanta ng Bayan Ko. Tapos inilabas ng anak niya ang totoo na marami na pala siyang naunang asawa bukod sa menor de edad na pinakikisamahan niya ngayon, at halos kasabay pala niyon may nabuntis pa siyang receptionist sa kanilang club. Iisipin mo bang anak pa mismo ni Freddie ang magbubulgar niyan?

READ MORE:  It’s Showtime, tinaningan na
READ MORE:  Gabby, ‘di kinikilalang ama ni Cloie Syquia Skarne?

Mukhang sobra na at wala na sa ayos ang usapan, pero natural, dahil kontrobersiyal ang mga bagay na iyan ay sasakyan iyan ng media. Hindi man sakyan ng media, lumalabas din naman dahil sila mismo ang gumagawa ng posts sa kanilang mga social networking site. Ano pa nga ba ang maitatago mo kung ganoon?

READ MORE:  Sharon, pinababalik na ni Ms. Charo (Aga, babalik din ng ABS-CBN)

Palagay namin, dapat manahimik na muna silang lahat.

COMMENTS

About Ed de Leon

Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved