Thursday , April 25 2024

PBA superstars suportado si Pacquiao

ILANG superstars ng PBA ang  sang-ayon sa plano ni Manny Pacquiao na pumasok sa liga bilang playing coach ng bagong koponang Kia Motors.

Parehong sinabi nina Asi Taulava ng Air21 at ang tambalang Japeth Aguilar at LA Tenorio ng Gilas Pilipinas na makakabuti para sa liga ang pagsabak ni Pacquiao sa basketball.

“I think, in a way, it will be good for the league,” wika ni Taulava sa panayam ng ABS-CBN News. “Besides, I’m not trying to make him mad. I just want to let him play basketball, and not make him mad and start throwing punches.”

“For sure, a lot of people will watch or are looking forward to watching Manny Pacquiao play in the PBA, and at the same time coach the team,” ani Tenorio. “So I think, maganda ‘yun for the PBA.”

“If we every play against him, I’m gonna respect him by playing hard against him and his team,” dagdag ni Aguilar.

Sa ngayon ay inaayos ng Kia ang magiging kontrata ni Pacquiao sa koponan, kasama ang magiging coaching staff niya.

Hihilingin din ng pamunuan ng Kia sa PBA na hindi siya isali sa Rookie Draft na kinailangan pang daanan  ni Pacquiao para makapasok sa liga.

(James Ty III)

About hataw tabloid

Check Also

Daluz vs Dableo Chess

FM Daluz naghari sa Kamatyas Open chess tilt

Final Standings: (Open Division, 8 Rounds Swiss System) 7.5 points—FM Christian Mark Daluz 7.0 points—IM …

Game On The Podcast

Sports chikahan hatid ng Game On! Podcast

GOOD news para sa sports enthusiasts dahil pwede nang mag-tune in sa pinakaunang sports podcast …

NYBL Butz Arimado TOPS PSC

NYBL Inter-Cities lalarga sa Mayo 4

ISASAGAWA ng National Youth Basketball League (NYBL) ang 2nd Inter-Cities and Municipalities basketball championship  sa …

Philippine athletics TOPS PSC

Philippine athletics meet tatakbo na

Manila — Inilalagay ng Philippine Athletics Track and Field Association ang kanilang pinakamahuhusay na atleta …

BUCAA Bulacan Daniel Fernando

Sa Liga ng Palarong Basketball ng BUCAA  
MAGLARO NANG MAY PUSO — GOV. DANIEL FERNANDO

“MAGLARO kayo nang may puso. Ipakita ninyo ang pagmamahal ninyo sa sports. Tandaan ninyo, ang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *