Thursday , April 25 2024

Hiwalayang Maricar De Mesa at Don Allado di na kataka-Taka (May iba kasing natitipohan noon pa!)

ni Peter Ledesma

Last month pa nag-circulate sa social media na hiwalay na si Maricar de Mesa sa kanyang basketeer husband na si Don Allado na manlalaro ng PBA. Sabi ang matinding dahilan ng paghihiwalay ng mag-asawa, ang hindi nila pagkakaroon ng anak kahit duman na sila sa ilang proseso upang makabuo pero wala pa rin nangyari. Hanggang dumating na lang sa punto na nagkalamigan ang dalawa at nagdesisyon na ngang wakasan na ang pitong taon nilang pagsasama. Ikinasal si Maricar kay Don noong 2007, ang malungkot bago sila nag-decide maghiwalay ay hindi na in good terms sa isa’t-isa. Well, noong mga panahong gumagawa ng sexy na pelikula si Maricar sa World Arts Cinema kung saan kaibigan namin ang producer na si Madam Jojo Galang ay naging aware na kami sa lovelife ng actress. Aming napag-alaman noon na hindi talaga si Don ang type ni Maricar na ma-ging boyfriend kundi ‘yung kasama niya sa Team na hindi na namin papangalanan. Pero dahil usong-uso ang relasyon ng artista at basketbolista para hindi siya mahuli ay napi-litan na lang ang Kapuso actress na maki-pagrelasyon kay Allado. So kaya ito ang naging ending ng kanilang relationship na napunta nga sa separation.

Sa ngayon, nagpahayag si Maricar na single na siya and ready to mingle, but not available. Meaning pahinga muna siya sa kanyang lovelife.

MGA KATAPAT DI UMUBRA, TATLONG TELESERYE NG DREAMSCAPE WAGING-WAGING SA RATINGS!

Mapupuri mo talaga sa sobrang ganda ang tatlong teleserye ng Dreamscape Entertainment Televison, ni Sir Deo Endrinal na “MiraBella,” “Dyesebel,” at “Ikaw Lamang na pare-parehong umeere ngayon sa Primetime Bida ng Kapamilya network. At dahil wala kang itulak kabigin sa mga nasabing show lahat ay gusto mong panoorin. Dahil sa milyon-milyong Kapamilya ang sumusu-baybay gabi-gabi kay Julia Barretto sa Mirabella, Anne Curtis sa Dyesebel at ang pinag-uusapang team-up ngayon na sina Coco Martin at Kim Chiu na mga pangunahing bida naman sa critically aclaimed na teleseryeng Ikaw Lamang na hindi lang maituturing na master teleserye kundi world-class serye pa. Pare-parehong wagi sa ratings ang mga nabanggit at hindi talaga umubra ang mga katapat nilang show sa GMA 7. Base sa latest survey ng Kantar Media para sa May 8 national ratings, umani ng 19.8% ang Mirabella at pinakain ng alikabok ang katapat na hit kunong Koreanovela na My Love from the Star na nakakuha lamang ng 12.0%. Kalahating porsiyento naman ang inilamang ng Dyesebel sa rating na 31.9% sa kalabang Kambal Sirena na 15.7 % lang. Walang kayabangan, kaya gustong-gusto ng TV viewers ang mga teleserye ng Dreamscape kasi kapag gumawa sila ay sinisiguro nilang de-ka-lidad para magustohan ng kanilang mga supporter. Kaya kita n’yo naman hindi nakauumay ang mga palabas nila at once na napanood na ay hindi mo na talaga bibitiwan. Lalo na ngayong patindi nang patindi ang mga eksena at bawat gabi ay masosorpresa kayo sa mga pasabog na hatid ng kuwento ng MiraBella, Dyesebel at Ikaw Lamang na pawang makapigil hininga. S’yempre tulad ng inyong kolumnista, hindi na rin kayo mag-lilipat ng channel or else hindi kayo uso. Kasarap nilang panoorin gyud!

MARIA PAULA VEGA “ANGELICA PANGANIBAN” NG CEBU CITY, WAGING SUPER SIREYNA

WORLWIDE “QUEEN OF FESTIVAL”

Napakaganda at babaeng-babae talaga ang dating ng latest candidate at weekly finalists sa Super Sireyna Worldwide “Queen of Festival ang Angelica Panganiban ng Cebu City na si Maria Paula Vega. Ang malaking factor na nagpanalo kay Maria nitong Sabado sa Eat Bulaga sa Weekly Grand Finals ng nasabing Gay Beauty Pageant on TV ay dyosa ang dating niya, magaling sumagot sa Q&A at nag-stand out talaga sa talent portion na humataw ng bonggacious na dance number na carry-carry niya. Kaya naman lahat ng judge noong araw na ‘yun na kinabibilangan ni Sam Pinto, Pepsi Herrera, Sarah Lahbati, Aljur Abrenica at Ariella Arida si Maria ang choice para maging winner.

Aside sa crown, nakapag-uwi ng tumata-ginting na P200K si Maria Paula Vega na ang malaking bahagi nito ay ido-donate niya sa napi-ling tutulungang Foundation.

‘Yan naman talaga ang main concerned ng Eat Bulaga ang tumulong sa mga nangangaila-ngan at part na rin ng kanilang public service ang mapapanalunang premyo ng mga title holder sa Super Sireyna Worldwide. Ang nasabing segment ay handog ng Redox Fat.

About hataw tabloid

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *