Saturday , April 20 2024

Makabagbag-damdaming tagpo nina Coco at Cherry Pie, maka-panindig-balahibo

Maricris Valdez Nicasio

NAKALULUNGKOT na ikinasal na si Isabelle (Kim Chiu) kay Franco (Jake Cuenca) noong Biyernes ng gabi. Samantalang bugbog sarado naman si Samuel (Coco Martin) dahil sa paghihiwalay sa kanila ng babaeng pinakamamahal niya at pagpigil sa kanilang pagpapakasal sana.

Ramdam na ramdam tiyak ng mga sumusubaybay sa Ikaw Lamang ang lungkot at hinagpis ni Isabelle habang ikinakasal kay Franco. Dapat nga naman ay ang pagpapakasal ang isa sa pinakamaliligayang araw ng isang babae subalit iyon ay tila pagluluksa kay Isabel dahil habambuhay na siyang mawawalay sa kanyang minamahal.

Si Samuel, bagamat ‘di na makatayo ay isinisigaw pa rin ang labis na pagmamahal kay Isabelle. ‘Yun bang pasa-pasa na ang buong katawan niya’y si Isabel pa rin ang iniisip niya.

Sobrang makabagbag damdamin naman ang pagtatagpo nina Samuel at kanyang inang si Elena (Cherry Pie Picache). Iba talaga ang dating kapag magagaling na actor ang nagsisiganap. Ibang klase ang kanilang pag-arte na sumusuot sa kaibuturan ng puso na tiyak na ramdan ng mga manonood.

Ang tagpong iyon ay isa sa masasabing best scene ni Coco sa Ikaw Lamang.

Samantala, bukod sa pangyayari noong Biyernes, pinakatinutukan at pinaka-pinag-usapan ng buong sambayanan ang The Wedding episode ng master teleserye ng ABS-CBN na naudlot ang pag-iisang dibdib nina Samuel at Isabelle. Patunay dito ang datos mula sa Kantar Media noong Huwebes (Mayo 1)na nanguna ang Ikaw Lamang taglay ang national TV ratings na 29.7%, o halos 14 puntos na kalamangan kompara sa katapat nitong programa sa GMA na Carmela (16.1%).

Dahil sa mga makapigil-hiningang tagpo ng The Wedding episode, mabilis na naging nationwide trending topics sa sikat na microblogging site na Twitter ang hashtag na#IkawLamangTilDeathDoUsPart at maging ang mga pangalan ng mga karakter na sina Samuel, Isabelle, Franco, at Gonzalo (John Estrada).

Tutok lang sa Ikaw Lamang para malaman kung paano haharapin ni Isabelle ang bagong yugto ng kanyang buhay lalo na kapag nalaman niya ang sinapit ng iniibig na si Samuel? Isusuko na ba ni Samuel ang pag-iibigan nila ni Isabelle ngayong asawa na nito si Franco?

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *