Thursday , April 25 2024

Aquino and Abunda Tonight, nakakabitin

 

ni  Letty G. Celi

Nami-miss ko ‘yung long hair ni Ms. Kris Aquino. Hindi ako sanay na tingnan siya with her new hairdo. Mas nag-matured siya. At ang ganda niya, she reminds me of her mom na si President Corazon C. Aquino or si Tita Cory. Buhay na buhay ang yumaong si Tita Cory kay Kris.

Pero siguro masasanay na rin ako at pati na rin ‘yung mga tagahanga niya sa bago niyang hair. Dahil ‘yung iba ay ayaw sa ginawa niya sa kanyang buhok. May mga binabagayan daw ang mga ganoong klaseng hairdo.

Is it because of her new found love? Pero, ang maganda fresh na fresh siyang tingnan kapag napapanood ko siya sa Kris TV, at Aquino and Abunda Tonight (morning and evening show ni Kris).

Minsan, nakakainis dahil bitin kami at ng mga follower sa A&A Tonight dahil maigsi, kumbaga sa food tinatakaw-takaw ka.

Sabagay, malay natin, dahil sa reklamo ay humaba at madagdagan ang oras kasi puro commercials. Wait nalang daw sabi ng mga taga-network.

Ganoon!

Reklamo sa I Am Pogay  ng Showtime

HINDI naman ako ang nagsasabi, pasabi lang ng mga homeviewer sa lugar namin para sa napakasayang noontime show nina Vice Ganda, Vhong Navarro, Anne Curtis, Billy Crawford, Karyle, Anne Curtis, Kuya Kim Atienza, Jhong Hilario at iba pang host ng It’s Showtime.

Kasi itong mga reklamador na ito, nadi-disturb daw sila sa mga host, lalo na sa parte ng I am Pogay ng show, ganoon din ang ibang added show, na tawanan ng tawanan at kung ano-ano na lamang ang ginagawa kahit nagsasalita ang mga contestant.

Medyo nakababastos nga naman daw iyon. Kailangan din medyo respetuhin ‘yung mga contestant dahil part na rin sila ng show at naghirap silang mag-audition.

May point naman sila, pero style po ng show nila ‘yon, ika nga isang rekado lang o pampagana kumbaga. Wala po sa host ‘yun, sa script. Nag-e-enjoy pa rin naman ang mga viewer at patuloy pa rin ang panonood kahit puro reklamo. Siguro medyo mag-ingat sila sa kanilang ginagawa at pag-isipan muna ang bawat galaw lalo na ngayong may mga bata ring contestant.

‘Yun lang!

About hataw tabloid

Check Also

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Kim Chiu Short Hair

Short hair ni Kim bumagay

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BRAVE, daring, bold, sexy and alluring, ang ilan lamang sa mga …

Atty Oliver Moeller Michelle Dee Kim Chiu

Kim at Michelle ‘nagamit’ daw ng abogadong ka-look-alike ni Piolo

PUSH NA’YANni Ambet Nabus KUNG totoong nag-back-out or more appropriate to say na nag-beg off …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *