Monday , December 10 2018
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / MTPB dapat nang busisiin ni yorme Erap

MTPB dapat nang busisiin ni yorme Erap

00 Bulabugin JSY

MUKHANG panahon na para maglagay ng kanyang sariling tao sa Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) si Erap.

Aba ‘e kaya pala ang sisipag manghuli at manghatak ng mga sasakyan ng mga towing services na ‘yan ‘e dahil kanya-kanyang kitaan ang mga tulisan d’yan.

Kapag nakakita ng target na sasakyan lalo na kung sports utility vehicle (SUV), agad nilang babatakin at dadalhin daw sa impounding area.

READ MORE:  Hair follicle drug test at blood test para sa celebrities

Pero sa totoo lang, pinepera lang ng mga pahinate at driver ng towing services.

Sa Balut Tondo, may ilang fixer na bata-bata ng MTPB ang nagkakamal sa pagtubos ng lisensiya.

Halimbawa kung P500 o P1,000 libo ang tubos, pwedeng P300 na lang, walang resibo ‘yan. Sa kanilang bulsa na ang sobra.

Kung mas mataas sa P1,000, mag-iisyu ng resibo. Pero nabisto rin na peke pala ‘yang mga resibo na ‘yan.

READ MORE:  PNoy vs SC justices na ba talaga?

Tsk tsk tsk …

Tuluyan nang ginawang RAKET ng MTPB ang panghuhuli sa mga motorista. Kumbaga, pitsa-pitsa lang ang katapat.

Sa report ni VM Isko kamakailan, mas malaki raw ang koleksiyon ng Manila Traffic and Parking Bureau (MTPB) kompara sa nakaraang administrasyon.

Pero ‘yun sa bulsa napupunta ‘di kaya mas malaki pa?

READ MORE:  Dahil sa demonyong droga dalawang batang Pinoy ang mawawalan ng isang ina

Yorme Erap, isang taon na napagbigyan at namayagpag ang mga tulisan sa MTPB … pwede mo nang balasahin ‘yan at tao mo ang ilagay mo d’yan!

Busog at bundat na po sila d’yan!

 

 Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0915.804.76.30 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit http://www.hatawtabloid.com

COMMENTS

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)
Scroll To Top
 

Copyright hatawtabloid.com | All Rights Reserved