Friday , April 19 2024

Nanganak sa panaginip

Dear senor h,

Nanagnp aq ng baby, nanganak na dw aq… anu po b ang ibg sbhin nito Señor h? plz pakisagot po s hataw, wait q po ito… slamat… aq c jomart fr olongapo… mwah…!!

To Jomart,

Ang iyong panaginip ukol sa baby ay may kaugnayan sa innocence, warmth, at new beginnings. Ang sanggol ay sumisimbolo sa iyong sariling inner nature na pure, vulnerable, helpless and/or uncorrupted. Kaya maaari rin na ang panaginip na ganito ay isang babala sa posibleng kapahamakan mula sa taong gusto kang masaktan o isahan, maaaring sa paraang physical o financial. Kaya dapat na mag-ingat sa mga taong nakapaligid sa iyo, lalo na ang mga hindi pa lubos na kilala talaga.

Kapag nanaginip na nagsilang o kaya ay nakakita ka ng ibang babaeng nanganganak, ito ay maaaring nagsasaad na ikaw ay nanganganak sa bagong idea o proyekto. Kung buntis ka talaga sa totoong buhay, maaaring ito ang rason ng panaginip mo. Ikaw ay nag-aalala sa magiging kalagayan mo matapos manganak o kaya naman ay may agam-agam ka sa panganganak, lalo’t kung ito ay first baby mo pa lang. Ito ay nagre-represent din ng new attitude, fresh beginning o ng major event. Alternatively, posible rin namang ito ay pamamaraan upang kunin ang atensiyon mo hinggil sa inner child within you at ang potensiyal upang ikaw ay umunlad o mas umunlad pa.

Señor H.

About hataw tabloid

Check Also

SM scholar 1

Pursuing education despite the odds
These SM scholar alumi are now steps closer to their dreams

Queenie Alfonso (left) and Prince Mangahas (right) join the SM Scholars’ general assembly at SM …

Krystall Herbal Oil

Kusinero, tubig at krystall herbal oil panlaban sa heat stroke

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint tactical inspection

SM Bulacan malls nagsagawa ng joint  tactical inspection

PATULOY na itinataguyod ng SM Malls sa mga bayan ng Baliwag, Marilao, at Pulilan sa …

Krystall herbal products

PT bilib sa panggagamot ng lolang hilot katuwang ang Krystall herbal products

Back to BasicNATURE’S HEALINGni Fely Guy Ong Dear Sis Fely Guy Ong,                Ako po …

Rhea Tan Beautéderm Gillian Vicencio

Beautéderm founder Rhea Tan, nagbukas ng ice cream business 

ALAM MO NA!ni Nonie Nicasio INIANUNSIYO ng Beautéderm founder at president na si Ms. Rhea Tan ang kanyang …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *